Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Aral-aral din pag may time, Sen. Risa!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

TOTOO nga ang kasabihang “birds of the same feather flock together”!

Napatunayan natin ito nang mabasa ko ang ‘praise release’ ni Senador Risa Hontiveros, pinuri niya ang pag-disallow ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga gastusin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kung hindi tayo nagkakamali, ang namumuno ngayon sa ERC, ay nasa likod ng malalaking rally ni dating VP Leni Robredo noong 2022 presidential elections.

May nakapagbulong sa atin kapatid, na si Ginggay Hontiveros ang nagpapatakbo ng PR operations ng Aboitiz dati.

Kaya hindi nakakapagtaka na si Hontiveros ang unang pumalakpak sa resolusyon ng ERC.

Hanga ako kay Hontiveros bilang bagong mukha ng oposisyon, pero napakalaking sablay ang laman ng kanyang praise release.

Para sa kaalaman ni Hontiveros, lahat ng gastos at kita ng NGCP ay regulated at aprobado ng ERC, hanggang sa huling sentimo. Baka naman, alam nya ito, at nagkukunwari lang para idiin nang husto ang NGCP at magpakabibo.

Mismong ERC din ang nag-atas sa NGCP na magsagawa ng corporate social responsibility (CSR) para makatulong sa mga komunidad na apektado ng mga transmission line at tower.

Ang mga patakaran naman ukol sa mge benepisyo ng mga empleyado, public relations, at advertising ay saklaw ng parehong patakaran na ipinatupad noon sa ikatlong regulatory period na sinunod lang ng NGCP.

Inamin ng ERC, bigo silang magsagawa ng kailangang regulatory reset kada limang taon, at minamadali nya ang nakaraang 4th at kasalukuyang 5th reset.  Ang katagang ginamit nya? RUSHED.  Ibig sabihin, bahala na, basta matapos.

Ngayon, bakit sinisisi ang NGCP kung ang kapalpakan ay mismong galing sa ERC? Nahihirapan ang NGCP dahil sinusunod lang nito ang mga patakarang inilatag ng ERC bilang regulator.

Panahon na para tutukan ng ERC ang mandato nito na palakasin ang energy system ng bansa sa pamamagitan ng koordinasyon at tamang mga polisiya.

Kung patuloy na gigipitin ng ERC ang mga kompanya gaya ng NGCP, tiyak na mawawalan ng interes ang mga negosyante na mamuhunan sa Filipinas at dadalhin ang kanilang pera sa ibang bansa.

Para naman kay Sen. Hontiveros, pag-aralan niyo po munang maigi ang isang isyu bago sumawsaw para hindi kayo magmukhang tanga.

Huwag ninyong hayaan na magamit kayo para sa pansariling kapakanan ng mga nanggigipit sa NGCP at nagnanais na mabangkarote ang kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …