Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Maricel Soriano Roderick Paulate Mommy Flor Santos

LA sa pagiging mama’s boy — proud ako at ‘di ko ikinahihiya dahil ibinigay niya buhay niya sa akin

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKATUTUWA ang rebelasyon ni LA Santos na ang make-up artist niya simula pumasok siya sa showbiz ay walang iba kundi ang ina niyang si Mommy Flor Santos.

Ganoon po kasi si mommy every time,” nakangiting kuwento ni LA sa mediacon ng In His Mother’s Eyes na first film ni LA.

Tulad kanina bago ako pumunta sa presscon, siya ang nagme-make-up talaga sa akin palagi.

“Since start po ng career ko, si mommy na talaga ang nagme-make-up sa akin.”

At si Mommy Flor, multi-tasking bukod sa ina at make-up artist siya ni LA, siya rin ang producer ng In His Mother’s Eyes sa pamamagitan ng kanyang 7K Entertainment.

Natanong naman si LA, dahil sobra ang closeness nila ng mommy niya, kung okay lang sa kanya na bansagang “mama’s boy.”

Habambuhay akong magiging proud. Kasi, mama’s boy naman talaga ako, at saka parang, ‘yung mommy ko po, ibinigay niya po ‘yung buong buhay niya para sa akin,” sagot ni LA.

Pagpapatuloy pa niya, “Kaya never po akong mahihiya na sabihing mama’s boy po ako.”

Pero rebelasyon pa rin ni LA, sa kanilang apat na magkakapatid ay siya ang “paborito” ni Mommy Flor.

Kung alam niyo lang po, ako po ang favorite pagalitan eh, “ at humahalakhak na kuwento ng guwapong binata.

Pero kidding aside, kahit pantay-pantay ang pagmamahal sa kanilang magkakapatid ni Mommy Flor, mukhang si LA ang paborito dahil ipinagprodyus siya nito ng pelikula na mapapanood na sa mga sinehan sa November 29.

Bongga rin ang mediacon ng In His Mother’s Eyes dahil halos lahat yata ng miyembro ng media ay imbitado, at masagana at masarap ang pagkain sa venue, ang Oriental Palace sa Tomas Morato.

At dahil hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang In His Mother’s Eyes, blessing in disguise na ring maituturing dahil nga mauuna na itong ipalabas kaysa ibang mga entry sa MMFF 2023 sa Disyembre.

Bukod kay LA ay bida rin dito sina Maricel Soriano at Roderick Paulate.

Nasa cast din sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans at Bong Gonzales, sa direksiyon ni FM Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …