Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nailandia

Nailandia balik-sigla dinudumog ng customers

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT may pandemic pa rin na dulot ng pesteng COVID-19, nakatutuwa at nakagagaan ng puso na halos bumalik na sa normal ang ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Hindi na mahigpit ang mga health protocol, hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask at wala ng gumagamit ng face shield na siyang senaryo noong 2020 hanggang 2021.

Balik-sigla na rin ang ekonomiya at mga negosyo, tulad ng beauty and wellness, na noong kasagsagan ng pandemya ay unang ipinasara ng gobyerno at health department.

Kuwento sa amin ng Nailandia spa and nail salon owner na si Noreen Divina.

So nagsara kami mga one and a half years, on and off iyon.

“‘Di ba August nagluwag tapos by December nag-strict na naman sila.

At naging mabuti naman ang puso nina Noreen at mister at co-owner niyang si Juncynth Divina sa mga panahong iyon.

Hindi ko siningil ng royalty ang branches noong sarado sila kasi nakakaawa rin naman,” lahad sa amin ni Noreen.

Sa kabutihang-palad, sa ngayon ay dagsa ang mga kliyente sa branches ng Nailandia.

Ay naku sobra, napakalaking tulong sa amin lalo na sa mga franchisee kasi sa kanila talaga ako naaawa before na alam mo mababait sila kasi ‘pag walang trabaho ang staff nila, they give rice, they give ayuda kahit walang kita.

“Binibigyan nila at nakatutuwa sila actually so, napakabait nilang tao, lahat, ‘yung parang pay forward, ang babait nila siguro dahil din napagbibigyan namin sila kung ano ‘yung dapat i-impart din nila sa employees nila.

“And ito na nagluwag na, ay naku, dagsa, dagsa ang mga customer namin. Nasabik ang mga tao sa services namin, sobra,” ang masayang bulalas ni Noreen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …