Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo

Kathryn pagrerebelde ang pagpapa-sexy?

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALA yata akong nababasa na dumedepensa kay Andrea Brillantes sa kumakalat na tsismis tungkol sa kanila ni Daniel Padilla.

Inaakusahan ng netizens na fake news peddler sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kaugnay ng pagsiwalat nila sa umano’y ugnayan ng dalawa.

Malaki ang fan base ng KathNiel kaya dinudumog ang dalawang writer-vlogger sa mga inilabas nila tungkol sa issue.

May nabasa kaming quotation mula kay Cristy na inilabas sa social media at print. Umano, may “nag-aalab “ na pangyayari kina Andrea at Daniel. Kung anuman ‘yon, tanging si Cristy na ang makapagsasabi niyan.

Basta si Kathryn, todo post ng sexy pictures niyang nakasuot ng two-piece bikini.  Tugon niya ito  o senyales ng pagrerebelde?

Matagal na inalagaan nina Daniel at Kathryn ang loveteam nila na minahal ng publiko. Mapanatili sana nila ang maayos nilang pagsasama sa gitna ng espekulasyong nagkakalabuan na sila!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …