Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ynna Asistio

Ynna na-inlove sa hosting

RATED R
ni Rommel Gonzales

BAGO naging artista ay ang pagho-host muna ang unang sinubukan ni Ynna Asistio.

Lahad ni Ynna, “Sa mga hindi nakaaalam, nagsimula po ako bilang host kaya po ako nakapasok sa showbiz. Year 2005 noong naging parte po ako ng ‘Candies’ na teen magazine talk show sa QTV with Inah Estrada and Winwyn Marquez.”

Sister channel noon ng GMA Network ang QTV 11 na ngayon ay GTV na.

And nain-love po ako sa hosting,” pagpapatuloy pa ni Ynna. “But never po akong nagka-chance uli maging host until eto na nga po ginawa ko ‘yung ‘Behind The Scenes with Ynna.’

“Tinupad ko po ‘yung pangarap ko, 18 years after.”

Mula 2005 fast forward to 2023, kasalukuyang napapanood online ang Youtube channel ni Ynna na Behind The Scenes With Ynna na mostly ay mga ina at empowered women ang kanyang bisita.

Si Ynna mismo ang nakaisip ng title na Behind The Scenes With Ynna.

Yes po, ako po ang nakaisip, ako po ang nag-conceptualize niyong buong show and eventually with the help of my sister Anykka [Asistio] of Triple A Digital and my good friends John & Rhai of Studio MNL, nabuo ‘yung show.

“‘Behind The Scenes’ para pong ‘ang mga bagay na nangyayari sa likod ng camera’.

“Una target ko was celebrity moms but then I realized why not just celebrate all sorts of moms? Kaya ‘Where everyday is Mother’s Day’ ang slogan para i-celebrate araw-araw ang mga nanay,” kuwento pa ni Ynna.

Ano o sino ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kanyang Youtube channel?

Ang mga nanay po na nag-inspire gumabay sa akin sa buong journey ko, lalong-lalo na ang mommy ko,” pagtukoy ni Nadia sa ina niyang aktres na si Nadia Montenegro.

A positive show that something we can look forward to while dealing with all the darkness na nangyayari sa mundo natin ngayon,” ay naging motivation rin ni Ynna sa kanyang channel.

Lahat ng episode ng Behind The Scenes With Ynna ay mapapanood sa Youtube (na may bagong episode tuwing Sabado, 6:00 p.m.) sa https://www.youtube.com/@behindthesceneswithynna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …