I-FLEX
ni Jun Nardo
BRAINY talaga ang production ng E.A.T. na nagpasimula ng AI sa kanilang programa.
Una munang lumutang si Ellen from Hollywood at nabuo ang pamilya niya mula sa kapatid na si Atasha, lola, nanay, tatay, nanny, at boyfriend.
Last Saturday, lumabas na si Ellen kasama ang pamilya. Kuwelang-kuwela dahil alam ng lahat kung sino ang lumabas na in person ni Ellen – si Maine Mendoza!
Nagsimula ang lahat sa segment ng E.A.T. na Gimme 5 hanggang sa nakilala na ng manonood ang real person sa AI.
Of course, magiging bahagi na natin ang AI. Pero sa Hollywood, sa natapos na strike, nagkaroon ng formale agreement sa magkabilang kampo na aming nabasa sa social media.
Ang isa sa provision ng kontrata ay walang papalit na AI sa strikers, huh.
Sa atin, gumamit na rin ng AI ang It’s Showtime sa isa sa production numbers sa Magpasikat Ka na mga namatay na komedyante ang ipinakita.
Anyway, sa labanan sa It’s Showtime, ang grupo nina Jhong Hilario, Kim Chui, at Ion Perez ang nanalo ng grand prize.
Naku, sa teknolohiya ngayon, AI is here to stay sa mundo natin.