Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Christmas Station ID 2023

Mga bida ng upcoming Kapuso shows, tampok sa GMA Christmas Station ID 2023

RATED R
ni Rommel Gonzales

INILABAS nitong Linggo (November 5) ang GMA Christmas Station ID na may temang #FeelingBlessedNgayongPasko.

Bukod sa touching stories ng pagiging blessing sa kapwa, tampok din sa CSID ang mga naglalakihang artista at mga bagong karakter na susubaybayan ng mga Kapuso.

Kabilang diyan ang mga bida ng Stolen Life na sina Carla Abellana at Gabby Concepcion. Dapat ding abangan si Beauty Gonzalez sa naturang serye na magsisimula na sa GMA Afternoon Prime this November 13. 

Naghatid din ng good vibes sa Christmas video ng GMA ang mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian. Mapapanood din ang cast ng Shining Inheritance na sina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.

Ipinasilip din ang bigating cast ng Lilet Matias: Attorney-at-Law na sina Jo Berry, Maricel Laxa, Sheryl Cruz, Rita Avila, Jason Abalos, EA Guzman, at Analyn Barro. Samantala, mula naman sa upcoming series na Asawa Ng Asawa Ko, nagsama-sama sina Jasmin Curtis-Smith, Rayver Cruz, Liezel Lopez, Crystal Paras, at Martin del Rosario para magpaabot ng Christmas feels. 

Mapapanood ang GMA Christmas Station ID 2023: #FeelingBlessedNgayongPasko sa official social media accounts ng Kapuso Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …