Saturday , November 23 2024
PADAYON logo ni Teddy Brul

Presscon naging Political Stage ng SK bet ng Nova QC

PADAYON
ni Teddy Brul

ANEBEYEN.

Bakit mas inuna ng mga batang inaakusahan ng ‘allaged rape’ na ikuwento ang kanilang panig sa isang press conference sa halip na maghain muna sila ng counter-affidavit sa prosecutor’s office.

Nagmistulang  ‘political stage’ ang presscon na isinagawa ng mga akusadong sina Eugene France Pico at Ezrael Aguirre, kapwa kandidato bilang SK councilor sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Todo ratsada ang mga akusado sa pagdepensa sa kani-kanilang sarili at  ipinakita pa sa mediaman ang mga larawan ng bawat pasilidad ng Paradise Adventure Camp sa San Jose del Monte, Bulacan.   Ikinatuwiran nila na masinsin ang kanilang inokupahang lugar kaya sa kanilang  palagay  walang naganap na insidente ng panghahalay.

Mababatid , sina Pico, Aguirre at tatlong iba pa ang pinaratangan ng panghahalay sa 19-anyos na si Brian Dave dela Victoria, kasamang dumalo sa libreng outing ng isang Judielyn Francisco sa naturang resort noong 16 Setyembre ng kasalukuyang taon.

Sa haba ng litanya ng bawat akusado ay tila wala silang maipakitang legal documents na dapat ay binibigyan nila ng kopya ang mga dumalong mediamen.

Sa isang photo opportunity ay nagpakita ng papel ang isang akusado at sa likuran nila ay mga batang hawak ang mga placards.

Nasusulat sa  placards na: “Hindi nababayaran ng pera ang dignidad at hustisya.” Aba’y teka tila isang anyo  ng pagparatang ang props na ipinangalandakan sa media.

Dapat nakabatay ang konteksto ng kanilang  propaganda sa mga paglilinaw ng mga akusado sa kasong kinakaharap nila.

Kung talagang counter affidavit ang ipinakita sa photo ops ng mga akusado ay dapat namahagi sila ng kopya sa mga mamamahayag upang may mapanghawakang patibay.

Nabanggit ng isang katoto sa hanapbuhay na pilit siyang humihingi ng kopya ng papeles kung mayroon man pero natapos ang presscon ay  bigo siyang makahingi kahit anong dokumento bilang katibayan.

Ang anumang karagdagang pahayag sa publiko na labas sa nilalaman ng sinumpaang salaysay ay maituturing na  karagdagang opinyon na hindi katanggap-tanggap na argumento kapag nasalang sa pagdinig ang akusado at complainant

Parang hindi naasikaso nina Pico, Aguirre at tatlong iba pang kasama ang  kaso sa aspektong  legal.

Hindi ba  inusisang maigi ng mga akusado ang nilalaman ng  kasong isinampa laban sa kanila sa office of the porsecutor ng San Jose del Monte, Bulacan?

Hindi ba nila alam na batay sa pagsusuri ng pisklaya ay pasok sa kasong Act of Lasciviousness ang reklamomh kinakaharap nila batay sa inihaing salaysay ng complainant sa tanggapan ng taga-usig noong 2 Oktubre, taong kasalukuyan.

Sa daloy ng mala-talumpating pagtatanggol sa sarili ng mga akusado na laging sinasambit ng bawat isa sa kanila na hindi sila sangkot at walang naganap na ‘insidenteng rape’ kontradiksiyon sa inilabas na pagsusuri ng piskalya na kasong Act of Lasciviuoness.

Parang nakipagtagisan lang ng hinaing  sa larangan ng pampublikong balitaan ang mga akusado na mistulang tugon sa naunang presscon na isinagawa ng complainant nitong nakaraang lingo sa isang restaurant sa Quezon City.

Kapansin-pansin pa sa presscon ang ‘postura’ ng akusado na tila kumukuha ng simpatya mula sa publiko at botante nang banggitin ang nararamdamang hinanakit nila at ng kanilang pamilya dahil sa paratang na panghahalay.

Mistulang nakasungkit sila ng pagkakataon na ‘makapagtalumpati’ sa isang malaking entablado sa pangangampaya sa anyo ng pulong pambalitaan na dinaluhan ng mga mediamen mula sa mga national broadcast  at print media.

Lalong nakalulungkot ang naging kalagayan  ng mga binatilyong akusado na imbes gabayan sa proseso ng paghahain ng reklamo sa prosekusyon ay mistulang nakaray sila sa isang public forum.

Anuman ang layunin ng pagharap  nila sa media, isa lang ang sigurado, wala pang akusado ang naabsuwelto sa isang presscon.

About Teddy Brul

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …