Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Luis Manzano Its Your Lucky Day

Ate Vi napilit ni Lucky, napasabak sa kantahan 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAPASABAK sa pagkanta si Vilma Santos nang makantyawan ng anak na si Luis Manzano sa gueting ng ina sa It’s Your Lucky Day last Saturday.

Umayaw sa una si Ate Vi at sinabi sa anak na, “Pasayawin mo na lang ako!”

Sa kalaunan ay pinagbigyan ni Vi ang anak at kinanta ang ilang linya sa hit song niya noon na Sixteen.

“Proud ako sa boses ko dahil bayad! Ha! Ha! Ha!” sey pa ni Vilma.

Eh naging hurado rin kasi si Ate Vi sa singing contest segment ng show na Star Of All Seasons kahanay sila Katrina Velarde, Jamie Rivera, at Christian Bautista.

Naging emotional pa si Vilma nang magbigay ng mensahe at nabanggit ang pagiging selfless ng show at mga host.

Bahagi ng guesting ni Vilma sa promotions ng filmfest movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo na mapapanood simula sa December 25.

Welcome sight na muling makita si Vilma na love sa telebisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …