Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Chicken food chain tambayan ng salisi gang

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

DATI nang modus operandi ang laglag-barya gang, ikaw na nilaglagan ng barya ay yuyuko para tingnan ang nalaglag na barya na lingid sa iyong kaalaman isa itong modus operandi na habang nakayuko ka ay sinasalisihan ka na at kukunin ang iyong hand bag o cellphone na nakapatong sa silya o mesa.

Nangyayari ito sa iba’t ibang fast food chain saan mang lugar sa kamaynilaan.

Gaya ng nangyari sa isang ginang sa isang chicken food chain diyan sa Harbor Square sa Maynila, kasama ang kanyang bayaw na kakain.

Itong si Ginang ay tumayo para kunin ang order, naiwan si bayaw na nilaglagan ng barya ng mga sindikato at natawag ang pansin sa nalaglag na barya.

Pagbalik ng ginang, nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento, passports at iba pa, bukod pa sa P10,000 cash.

Ipinagtataka natin bakit ang mga food chain ay kulang sa kanilang mga crew na dapat ay inihahain na lang ang mga inorder na pagkain sa mga teybol ng umorder.

Dahil kailangan kunin sa claim counter ang inorder na pagkain, kaya si ginang nasalisihan.

Paano kung marami kang bitbit at gutom? Pumasok ka sa food chain, alangan namang bitbitin mo lahat ng dala mo para kunin ang pagkaing binayaran mo?

Okey lang pay as you order, dapat may magse-serve o ihahatid ang pagkain sa teybol ng umorder. Puwedeng ikatwiran ng management na “don’t leave your valuable things.”

Maliit na problema ito pero marami ang nabibiktima, siguro suhestiyon lang, dapat pagtuunan ng local government ito o ng tanggapan ng  Business Permit and License Division.

Sa bahagi ng management, dapat ay magtalaga ng mga security guard na matalas magmatyag at magmanman laban sa salisi gang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …