ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
TATATAK sa madla si Dindo Fernandez bilang The Soulful Balladeer. Swak siya sa bansag na ito dahil sa husay niyang kumanta at sa timbre ng kanyang boses.
Narinig at nakita namin ang husay ni Dindo bilang singer sa launching niya sa EF Cafe and Restaurant, Alangilan Batangas City, kamakailan.
Binansagang The Soulful balladeer dahil sa kanyang heavenly voice, bukod sa kakayahang bumirit, masarap pakinggan at ang linis ng pagkanta niya.
Si Dindo ay naging nominado sa 2022 Aliw Awards for Best New Male Artist of the Year at Best Male Performance in a Concert.
Sa murang gulang na 8 anyos, nalaman ni Dindo na may kakayahan siya sa musika. Nagsimula siya sa pagkanta bilang member ng choir sa simbahan.
Tinatanaw niyang malaking utang na loob ang pagiging choir member sa lalo pang paghasa ng kanyang kakayahan sa pagkanta.
Wika ni Dindo, “As a musician, I learned a lot from the church choir. I can still remember that there was one Christmas Eve mass, and I was the Youth Council President at that time, and I wanted to do my best.
“For us Catholics, we consider it the highlight of the year and because I have to make things impressively perfect, I found myself arranging “Oh Holy Night” and “Gloria in Excelsis Deo” in pop-orchestra style. Little did I know that I was already into a vocal and music arrangement.”
Siya ay nag-release ng dalawang original songs last year, ang “Akala Ko” at “Makinig Ka” sa Spotify, iTunes, Apple Music, and other music platforms.
Sa ngayon, nakakuha na ito ng good reviews and a good number of followings. Dahil dito, mas naging inspirado si Dindo na lalong magpursigi sa larangan ng musika.
Bukod sa pagiging mahusay na singer, siya ay songwriter din.
“It usually pops up when I am feeling good and I am relaxed. They are collected from my memories and experiences with the intention to inspire, motivate, teach, and of course, to entertain,” sambit pa ni Dindo.
Plano niyang mag-concert very soon at makipag-collab sa mahuhusay na local artists natin.