Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krissha Viaje Jerome Ponce 2

Jerome, Krissha handa na sa intimate scenes sa Safe Skies, Archer

ni Allan Sancon

MATAPOS ang matagumpay na Viva One series na The Rain in España ay susundan ito ng panibagong University Series na Safe Skies, Archer na pagbibidahan nina Jerome Ponce at Krissha Viaje kasama sina Jairus Aquino, Hyacinth Callado. 

Kasama rin ang mga previous cast members ng The Rain in España na sina Marco Gallo, Heaven Peralejo, Bea Binene, Audrey Caraan, Andre Yllana, Gab Lagman, Nicole Camillo, at Frost Sandoval.

Base ito sa best selling book na isinulat ni Gwy Saludes, directed by Gino Santos.

Isa lamang ito sa University Series na aabangan, matapos mapanood ang kuwento nina Luna (Heaven)  at Kalix (Marco) sa The Rain in España.

Mapapanood naman sa series na ito ang kuwento ng pag-ibig nina Yanna played by Krissha na isang flight stewardes at Hiro played by Jerome Ponce na isa namang pilot.

Mas mature at daring ang love story nina Yanna at Hiro. Mature dahil mas mapangahas ang kanilang mga eksena.  

First time magkatrabaho nina Jerome at Krissha kaya excited silang makatrabaho ang isa’t isa. Bilang paghahanda nila sa kanilang mga intimate scene ay magkakaroon sila ng sexuality workshop. 

Ano naman kaya ang nasasabi nina Jerome at Krissha sa isa’t isa bilang sila ang bagong loveteam na aabangan?

Krissha is so nice, kinakabahan ako sa kanya kasi napaka  all-out n’ya, ibinibigay niya ang lahat,  ako na lang ang tanggap ng tanggap. Alam mo ‘yun when it comes to work, kailangan magbigayan kayo. During the chemistry test, kinabahan ako parang pinapagpag niya lahat, ako na lang ‘yung pupulot ng pupulot dahil dapat strong ang personality ko rito, I need to be strong. I think this is new partnership with Krissha,” papuri ni Jerome kay Krissha.

This is the first time to work with Jerome, kahit pareho kaming ABS-CBN before ‘di pa kami nagko-cross ng landas. So, I’m excited to work with him sa series na ito.”

Magsisimula nang ipalabas ngayong Oktubre ang Safe Skies, Archer only on Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …