Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Lapus Jobert Sucaldito Chaps Manansala

Bianca aktibo sa teatro; Jobert at direk Chaps maiinit na balita hatid sa OOTD

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALA nang balak idemanda ni Claudine Barretto ang dating sexy star na si Sabrina M sa pahayag nitong siya ang huling nakarelasyon ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Ipinarating ni Bianca Lapus ang pahayag na ito ni Claudine nang makausap niya ang former actress bago ang pressccon ng Hiraya Theatear Production noong isang araw sa Music Box.

Sinabi rin sa amin ni Bianca ang pahayag pa ni Claudine at ayon pa sa huli, “Hindi ko kilala si Sabrina M. Nakita ko lang picture niya sa dyaryo nang masangkot siya sa isang eskandalo!”

Anyway, bahagi ng Hiraya si Bianca na nag-i-stage ng plays sa iba’t ibang probinsiya sa pagtataguyod ni direk Chaps Manansala. Nasa 18th year na ang grupo at marami silang handog na plays gaya ng bagong version ng classic na The New Yorker From Tondo na si Bianca ang lead. Kabilang din sa grupo ang dating Eat Bulaga child star na si BJ Forbes at iba iba pang bihasa sa teatro.

Sa tanong namin kay direk Chaps kung may pera na ba sa teatro? Tugon nito, “Dapat, marketer ka! Kung performer ka lang, mahina talaga ang pera.

“Pero ako, nagsikap hanggang sa lumaki kami nang lumaki. Passion ko ito kaya naman, masasabi kong mayaman na ako! Ha! Ha! Ha!” deklara ni direk Chaps.

Bukod sa Hiraya, may You Tube channel si direk Chaps kasama ang katoto naming si Jobert Sucaldito. Ang title nito ay OOTD (Opinyon, Talakayan at Diskusyon) tungkol sa artista, politika at iba pang interesting topics.

Sa tanong namin kay direk kung kinukontrol niya si Jobert na madaldal, “Hindi! Natututo ako sa kanya gaya niyong minsang mag-interview ako. Basta masaya lang kami kaya marami agad kaming naging subscribers sa OOTD na twice a week may upload na episode. Subscribe na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …