PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA naging panayam ni Kuya Boy Abunda kay Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda, lumalabas na si Andrea Brillantes ang unang naghamon ng break-up. At dahil competent athlete si Ricci, tinanggap ito.
Nagsalita na si Ricci dahil nadadamay at nasasaktan na ang kanyang pamilya. Idinenay niyang walang ganap sa kanila ng beauty queen turned politician na si Leren Mae Bautista.
Idinetalye rin niya ang babaeng naabutan ni Blythe (tawag kay Andrea) sa kanyang condo ay girlfriend ng kanyang kaibigan na isinama lang sa kanyang place.
Ngayon, sagutin pa kaya ito ni Andrea na halata namang matatag at matapang sa sinapit ng kanyang lovelife?
Pero marami ang nag-react sa isyung ‘nag-live-in’ na sila.
Para sa mga kampi kay Andrea, hindi na raw dapat pang tinanong ‘yun ni Kuya Boy at hindi na rin sinagot ni Ricci.
Mas damaging daw para sa babae ang naturang isyu.