Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rob Gomez Magandang Dilag

Rob masuwerteng nabibigyan ng magagandang projects

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MASUWERTE si Rob Gomez at kahit hindi siya taga-Sparkle ay nabigyan ng GMA ng teleserye na isa siya sa lead stars. Ito ay ang Magandang Dilag opposite Herlene Budol. 

Si Rob ay nasa pangangalaga ni Dondon Monteverde kaya nabibigyan siya ng magagandang projects at shows na produce by Regal Entertaiment. Katunayan, sisimulan na nila ni Jane de Leon ang isang episode ng Shake Rattle and Roll for the upcoming Metro Manila Film Festival na super excited siya.

Aminado si Rob sa una niyang sexy movie with Alexa at hindi niya pinagsisisihan ‘yun at willing siyang gumawa ulit na more sexy or daring.  Bale ginawa niya ‘yun bilang stepping stone at nag-click naman. Pero hindi muna sa ngayon.

Gusto rin ni Rob na mapabilang sa Bench Body at Bench Active kaya lalo niyang pagagandahin ang katawan. College graduate na si Rob at for a while nagtrabaho siya sa mga private companies.

Looking forward sa pilot episode ng Magandang Dilag at marami pa silang taping days.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …