Friday , April 4 2025
PBB House

PBB house giniba pamamayagpag tinapos na

HATAWAN
ni Ed de Leon

GINIGIBA na ang House B ng Pinoy Big Brothers doon sa likod ng ABS-CBN. Iyong puwestong iyon ay dating office naman ng Viva Films noong araw. Noong lumipat na ang Viva sa isang bulding sa E Rodriguez, ipinagbili nila iyon, naupahan naman pala ng ABS-CBN. Nito ngang matapos na ang kanilang lease contract, ipinagiba na nila ang isang puwesto dahil hindi na raw practical. Talagang hindi na, kailangan nilang tipirin ang pera nila dahil wala na halos silang kita, wala na silang prangkisa, hindi na sila network kundi content producer na lang. Para na lang silang big time na Tiktoker o Youtuber content creator eh.

Isa pa hindi na rin naman malakas ang batak niyong PBB na naging tambakan na rin ng mga trying hard noong mga nakaraan nilang labas. Iyon nga lang dahil malakas ang estasyon nila natatangay pa rin. Eh ngayong wala na silang estasyon, ano pa.

Isa pa iyon bang kanilang franchice niyong Big Brothers puwede pa nilang gamitin kung

ipalalabas nila sa ibang estasyon, dahil wala na nga silang estasyon ngayon? Baka hindi rin puwede iyon sa kanilang franchise eh ‘di huwag na lang, at ano pa nga ba ang gagawin mo roon sa bahay na iyon, gibain mo na hindi ka pa nagbabayad ng renta sa lupa. 

Kung sa bagay naging attraction na rin iyon, maraming tumtayo roon sa gate niyon para

mag-selfie, eh masisingil mo ba naman ang mga nag-selfie lang doon?

Nang mawala ang porangkisa ng ABS-CBN, siguro nga msasabing para sa kanila it is the end of  an era. Isipin mo, noon namamayagpag sila bilang the Philippines’ largest network, tapos ngayon wala ni isa. Ang biruan nga, estasyon ng krus na lang daw ang natira.

Nakalulungkot din iyan pero wala naman tayong magagawa riyan eh, lahat ng bagay may katapusan at dumating na nga iyong sa kanila.

Lahat naman iyan magtatapos. Lahat iyan mawawala. Iyong pinakamalakas ngayon mawawala rin iyan pagdating ng panahon. Parang kanta lang ni Ice Seguerra.

About Ed de Leon

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …