Sunday , December 22 2024

Isa pang sweet appointment

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

WALA pang isang buwang nakapagtatalaga ng OIC sa Sugar Regulatory Administration (SRA), nagpasya na rin sa wakas si President Junior na patikimin ng bagong pinuno ang SRA. Itinalaga niya sa tungkulin si Pablo Luis Azcona, isang sugar planter, at inutusang iangat ASAP ang produksiyon ng asukal.

Tama lang, para sa SRA, ang hindi na ito pamunuan ng isang caretaker – si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban – bilang leader nito. Hindi naman kasi superman si Panganiban na kakayaning pagsabayin ang mga responsibilidad sa dalawang ahensiya ng gobyerno na pangunahing sakit ng ulo.

Para sa kapakanan nating lahat, umasa tayong huwag naman sanang masyadong sweet sa trabaho si Azcona para makatulong siyang tugunan ang mga kontrobersiya at isyung iniuugnay sa SRA sa ilalim ng administrasyong Marcos, kabilang ang pag-aangkat kamakailan ng 440,000 metriko tonelada ng asukal na nakalaan sa tatlong “handpicked” importers.

Ang mahalaga, mistulang natuwa ang grupo ng magsasaka sa pagkakapili kay Azcona, na mula sa sugar capital ng bansa, ang Negros. Abangan natin kung magagawa ni Azcona na ibalik ang dating sigla ng industriya ng asukal at iwasan ang anumang sour developments.

Pangakong kompensasyon

So, bitbit na muli ng ating Pangulo ang kanyang mga bag, habang suot ang kanyang traveling shoes. Papunta siya sa West para sa isang napakahalagang pulong kay US President Joe Biden, na susundan ng pakikipagsosyalan sa UK sa kanyang pagdalo sa pagpuputong ng korona kay King Charles III.

Dito sa atin, nananatiling isang malungkot na realidad na maraming Filipino ang napipilitang magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho dito sa sarili nilang bayan. Ang pangako ng mas maginhawang pamumuhay at magandang kinabukasan ang nakakombinse sa libo-libong Pinoy na dumayo sa mga pambihirang bansa, tulad ng Saudi Arabia.

Kamakailan, pinagningas ni Migrant Workers Secretary Toots Ople ang pag-asa na ang umentong matagal nang ipinangako parasa 10,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East, na pinalayas ng kanilang Saudi employers sa pagitan ng 2015 at 2016, ay posibleng maibigay na.

Pitong taon nang nagdusa ang mga OFW, naghintay sa Saudi government na bayaran ang karampatan nilang kompensasyon, pero parang lokohan lang ang nangyari. Hindi lamang ito isyu ng pera kundi maging ng buhay at kamatayan, dahil ang ilang manggagawa ay pumanaw na dahil sa katagalan ng paghihintay.

Ang mga pangako ng mga opisyal ng gobyerno ay paulit-ulit nang napapako, at ang pakikipagpulong kamakailan ni Pangulong Marcos sa Crown Prince ng Saudi Arabia ay hindi nagbunga ng anumang paborableng epekto.

Ang ayudang pinansiyal na ipinangako ng gobyerno ng Filipinas ay hindi permanenteng solusyon, at maraming OFW leaders ang duda pa rin sa ipinangakong kompensasyon dahil tinangay na ng hangin ang mga pangako.

Panahon nang kumilos ang administrasyong Marcos at ang Saudi King upang masigurong maipapataw ang kinakailangang hustisya. Pero sa ngayon, ang mga pagkakaantalang ito ay tumutukoy sa napakalaking hamon kay President Junior na protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …