Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Anti-Taray bill vs supladong government employees

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SABI, maliit na bagay pero mahalaga kung maipatutupad ang Anti-Taray Bill na isinusulong sa Senado ni Senator Raffy Tulfo, upang mabigyan ng leksiyon ang mga empleyadong masusungit na ang departamento ay humaharap sa taxpayers. Nakapila sa kumukuha ng working permits, at sa mga departamentong nagge-generate ng income sa gobyerno.

Tama si Tulfo na kanyang bibigyang pansin ang ganitong problema dahil nga ang suweldo ng matataray na empleyado ay galing sa taxpayers, at marapat lang na huwag sungitan o pagsupladahan.

Maraming kinakawawa ang mga ganitong pag-uugali ng isang empleyado kaya sisiguradohin ni Tulfo na maipasa ang bill na ito upang ‘di na makaranas ng    kahihiyan ang taongbayan sa pangit na asal ng matataray na empleyado.

Tunay na totoo ‘yun Senator Tulfo, maraming ganyan partikular sa mga tanggapan ng Business Permits and Licensing Department (BPLO) sa lokal na pamahalaan. Kulang sa pasensiya at hindi pagseserbisyo ang umiiral.

Maging sa tanggapan ng LTO, maraming masusungit, nagtatanong lang nakaangil na o barabas kung sumagot.

Maging ako ay naranasan ko makatagpo ng masungit na empleyado kaso nagkamali ang empleyado dahil ang nakaharap niya ay mas mataray! Dahil ako ang nasa tama!

Payo ko sa mga empleyado, dagdagan ang pasensiya dahil nandiyan ka sa posisyon mo para magserbisyo at pinasusuweldo ka ng taxpayers. Kung wala sila, wala kang suweldo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …