Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Telebabad

GMA Telebabad punumpuno ng action gabi-gabi

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAINIT nang painit ang bakbakan para makuha ang mga makapangyarihang hiyas sa Mga Lihim ni Urduja.

Nitong Lunes (March 20), napanood ng mga Kapuso ang makapigil-hiningang paghaharap ng bounty hunters at ang isa sa mga itinakda ni Hara Urduja (Sanya Lopez) na si Gem (Kylie Padilla).

Bukod sa kakaibang kuwento ng serye, puring-puri rin ng viewers ang good looks, fit bodies, at husay sa action scenes ng cast. Komento ng ilan sa GMA Drama Facebook page, “Ang astig ng mga character! Very exciting! Halatang nag-e-enjoy sila sa ginagawa nila. Maganda at may matututunan ang mga bata at matatanda.”

Samantala, ipinasilip na rin sa show ang buhay ni Iris Dayanghirang (Sunshine Dizon). Ano nga ba ang itinatago ng misteryosong ina nina Gem, Crystal (Gabbi Garcia), at Onyx (Vin Abrenica)?

Subaybayan ang mas tumitinding mga eksena sa Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies. Mapapanood din ‘yan tuwing 9:40 p.m. sa GTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …