Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Cristine Reyes

Aga Muhlach pasabog sa MoM; Cristine, nagpaiyak, pinalakpakan

I-FLEX
ni Jun Nardo

SIMULA na ngayong araw, Marso 1, ang bakbakan sa sinehan ng dalawang pelikulang magkaiba ng ipinaglalaban pagdating sa katotohan, ang Martyr or Murderer na idinirehe ni Darryl Yap at Oras De Peligro na pinamahalaan ni Joel Lamangan.

Isang pro-Marcos at isang anti-Marcos movie.

Pareho na naming napanood ang pelikula.

Biktima ng karahasan ng Matial Law si Joel at ipinakita niya ang nangyari sa mga kakilala niya sa Oras de Peligro.

Ang rivalry nina Aquino at Marcos ang ipinakita sa simula ng movie sa MOM. Ang twist eh lumabas sa kuwento na nagkaroon din ng rivalry kay Imelda Marcos ang dalawa.

Hindi na namin idedetalye pa ang ibang mapapanood sa movie.

Basta ang ipinagmalaki ni direk Darryl, mapapanood sa 200 plus na sinehan nationwide ang movie.

Magagaling ang mga artista sa MOM especially Cristine Reyes lalo na noong eksenang nasa Morocco siya at kausap ang amang si Apo Macoy na si Cesar Montano ang lumabas.

Perfect si Ruffa Gutierrez bilang Imelda pero ang pasabog sa ending ay ang paglabas ni Aga Muhlach bilang Bongbong Marcos. Nagtapos ang MOM sa presidential inauguration ni PBBM!

Ang third installment at ang buhay sa Hawaii ng mga Marcos na may titulong MAM – Mabuhay Aloha Mabuhaykung tama ang pagkakabasa naminn.

Maraming gugulantangin ang Martyr or Murderer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …