Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Nanggahasa sa 2 anak sa Antique, arestado sa QC

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang most wanted person (MWP) ng Antique sa kasong pangagahasa sa kaniyang dalawang anak na kapwa menor de edad.

Ayon kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang suspek na si Romel Juban, 46 anyos, ay naaresto ng mga operatiba ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13, sa Barangay Payatas, bandang 11:45 ng umaga.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa suspek na nagtatago sa Barangay Payatas ay agad nagkasa ng operasyon at sa bisa ng  warrant of arrest ay inaresto ang suspek.

Nabatid, ang mga guro ng mga biktima na  nasa edad 14 at 15 anyos nang  pagsamantalahan ng kanilang ama noong 2019, ang nagsumbong sa mga awtoridad.

Nakapiit na ang suspek na umamin sa nagawang kasalanan sa mga anak at nakatakdang isuko sa Patnogon Municipal Police Station sa Antique. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …