Sunday , December 22 2024

Bumubuti ba ang rule of law sa ‘Pinas?

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SA RULE OF LAW INDEX ng World Justice Project (WJP) ngayong taon, nasa ika-97 puwesto ang Filipinas sa 140 bansa. Tumalon ito ng limang puwesto mula sa ika-102 noong nakaraang taon, pero malinaw na hindi sapat ang iniangat para ipagbunyi ito.

Naniniwala si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez, Jr., na ang naging pag-angat ay dahil sa pinaigting at tuloy-tuloy na implementasyon ng komprehensibong prosesong pangkapayapaan ng Filipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Para sa WJP, ang survey at analysis ay isinasagawa ng mga eksperto, abogado, at mga opisyal mula sa iba’t ibang larangan at katuwang na organisasyon, ang peace agenda ng isang bansa ay isa lamang sa maraming aspekto ng pagsusuri.

Kaya bagamat sumaliwa ang Filipinas – dahil 61 porsiyento sa mundo, o 85 sa 140 bansang sinuri sa WJP report, ang nanamlay sa pagpapatupad ng rule of law – ang katotohanan ay patuloy na namamayagpag sa bansa ang kawalan ng seguridad, kawalan ng kaayusan, kawalan ng respeto sa batas, at kawalang hustisya.

*              *              *

Isang halimbawa ang sangkatutak na kaso ng pagdukot sa mga sabungero. Hindi bababa sa 30 sabungero ang naglahong parang bula simula 2021 – sapat nang dahilan upang ipasara ni Rodrigo Duterte ang multi-bilyong pisong industriya ng e-sabong noong Mayo, na isa sa kanyang mga huling ginawa bilang presidente.

Ang katotohanan na ilang pulis ang kinasuhan dahil sa mga nabanggit na pagdukot at hinihinalang pagpatay ay nagpapahiwatig na lumalala ang law and order sa bansang ito. Noong nakaraang linggo, anim pang suspek ang kinasuhan ng kidnapping dahil sa mga misteryosong pagkawala.

Ipinatawag ng Kongreso ang e-sabong kingpin na si Atong Ang upang ipaliwanag ang mga lantarang pagbabantang ginawa niya sa isang YouTube video ilang araw bago ang mga pagdukot. Gayonman, hanggang sa mga oras na ito, hindi na rin lumilitaw ang kanyang pangalan sa alinman sa mga kasong ito, dahil hindi siya iniuugnay ng mga imbestigador sa alinman sa mga karumal-dumal na krimeng ito.

*              *              *

Totoong wala nang e-sabong. Pero ang pagsusugal at ang mga krimeng kaugnay nito ay nananatili sa pamamayagpag sa maraming komunidad sa bansa kung saan lalamya-lamya ang Philippine National Police (PNP).

Noong nakalipas na linggo, ilang ina ang umapela sa pamunuan ng PNP para matuldukan na ang mga ilegal na pasugalan sa mga amusement parks at peryahan sa Bulacan. Anila, hindi raw sana malululong dito ang kanilang mga asawa at mga anak kung ginawa lang ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office ang kanilang trabaho.

Mabilis na nahumaling ang mga bata sa mga color games, drop balls, at iba pang klase ng ilegal na sugal sa peryahan sa Barangay Santa Clara, Sta. Maria, at sa bayan ng Pandi. Lantaran ang mga ganito kaya imposibleng hindi mamataan ng mga nagpapatrolyang pulis maliban na lang kung sadyang nagbubulag-bulagan sila.

Umiikot daw kasi ang protection money, ayon sa aking mga espiya, at sasapat ito para makapagpatuloy ang kanilang mga operasyon hanggang sa Enero 2023. Ang nakalulungkot, hindi lamang mga pulis kundi maging ilang tiwaling lokal na mamamahayag ang umano’y nakakukubra linggo-linggo. Iyan ang dahilan kaya ang Bulacan PPO ay may mga operasyon laban sa cara y cruz, tong-its, pusoy, at iba pa, maliban sa perya — lalo para sa mga nasa Sta. Maria at Pandi.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …