I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGKAROON pala ng gulo sa nakaraang concert ang grupong Ben & Ben noong December 18 sa SMDC Festival Grounds.
Kahit walang kasalanan, naglabas ng letter of apology ang banda sa nasaktan.
“We’d like to sincerely apologize to those of you who had a deeply stressful experience with the queing, the entry into the venue and the fenerl gaps in the organization of the event,” saad ng grupo na inilabas nila sa kanilang Facebook page.
Pangako ng Ben & Ben, mas magiging maingat sila sa susunod nilang event para hindi namaulit ang nangyari.
Ayon sa report, 65,000 na tao ang nanonood sa concert.
Teka, ang Eraserheads reunion concert naman ang naka-schedule ngayong gabi. Aba, dapat mas maging maayos ang organizers ng concert upang maiwasan ang masaktan!