Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daydreamer Net25

Most romantic Turkish series na Daydreamer, napapanood na sa NET25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HUMANDA nang kiligin sa pinakabagong serye ng NET25, ang Day Dreamer.

Pinagbibidahan ito ni Demet Özdemir bilang si Sanem Aydin, isang dalagang masayahin at puno ng mga pangarap. Napilitan siyang magtrabaho dahil nais ng kanyang mga magulang na itrato siya sa isang arranged marriage. Nag- apply siya sa isang advertising company kung saan nagtatrabaho ang kanyang kapatid.

Habang nagtatrabaho sa kompanya, makikilala ni Sanem si Can Divit, ang anak ng may-ari ng kompanya na gagampanan ng award winning actor na si Can Yaman. Kilala si Can bilang isang sikat na photographer ngunit mapipilitan siyang pamahalaan ang kanilang kompanya dahil sa kahilingan ng kanyang ama. Dahil dito, magseselos ang kanyang nakababatang kapatid na si Emre. Hahanap siya ng paraan para palabasin na si Can ay ‘masamang tao’ at gagamitin niya si Sanem.

Bukod sa selos, palihim niyang ibinibigay ang mga plano at kampanya ng kanilang kompanya sa kanyang ex-girlfriend na si Aylin. Bagaman maraming hadlang, mahuhulog ang loob ni Sanem at Can sa isa’t isa.

Sabi nga, kapag dumating ang pag-ibig sa iyong buhay ay hindi mo na ito mapipigilan. Tadhana na ang kumilos para mapaglapit ang loob nila Sanem at Can.

Kinilala ang “Daydreamer” bilang Best Romantic Comedy Series sa 45th Golden Butterfly Awards. Napanood rin ito sa mga bansang Canada, Spain, USA, Italy, Japan, Russia, France, at Australia.

Pinarangalan si Yaman bilang Best foreign Actor Award sa Morex D’ at nakatanggap din ng Golden Butterfly Award sa kanyang pagganap bilang Can. Natanggap ni Özdemir ang Best Romantic-Comedy TV Series Actress sa Pantene Golden Butterfly Awards.

Kinakiligan din ng Turkish audience ang Daydreamer. Excited na rin ang Filipino fans na mapanood ang Daydreamer, base sa post ng NET25,

Nagsimula na ito last December 12, 7:30 pm. Abangan sina Sanem at Can at ma-inlove sa pinag- usapan at kinakiligang serye sa telebisyon. Mapapanood ito sa Channel 49 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (Skycable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (destiny), 25 (Satellite), at 42 (G-Sat).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …