Monday , December 23 2024
road traffic accident

Sa Guyong triangle
74-ANYOS LOLA SINORO NG DUMP TRUCK, PATAY

BINAWIAN ng buhay at halos nagkalasog-lasog ang katawan ng isang 74-anyos lola nang masoro ng isang dump truck sa sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre.

Sa nakalap na ulat, kinilala ang biktimang si Gloria San Jose, 74 anyos, nangangalakal at residente sa Sitio Marjanaz, Brgy.Guyong, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na dakong 9:00 pm kamakalawa, galing ang biktima sa pakikipaglamay sa isang burol at habang naglalakad sa parteng triangle ng By-Pass road ng Brgy. Guyong ay biglang sinoro ng humaharurot na dump truck.

Dead on-the-spot ang biktima na hindi hinintuan ng driver ng dump truck, sinabi ng ilang nakasaksi na tumakas papunta sa direksiyon ng Brgy. Tambubong, Bocaue.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ng biktima sa Gulinao Funeral Homes sa By-Pass Road, Brgy. Guyong, habang patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Sta. Maria MPS upang matunton ang driver at ang dump truck na sangkot sa insidente. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …