Sunday , December 22 2024
Mamasapano Now It Can Be Told Ferdie Topacio Edu Manzano

Mamasapano: Now It Can Be Told, mapapanood na finally simula Dec. 25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD na ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told sa ilalim ng Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio.

“It has been a long, hard battle, but finally, maipalalabas na siya sa December 25,” sambit ng kontrobersiyal na abogado.

Si Atty. Topacio ang abogado ng mga magulang ng mga namatay na SAF 44. “Ako ang nag-file ng kaso against President Noynoy Aquino, one day after he stepped down from power. Kasi, kapag presidente, immune from suit, e. Noong wala na siyang immunity from suit, idinemanda na namin siya for the deaths of the 44 SAF troopers,” paliwanag pa niya.

Nakatakda sana itong ipalabas sa Nobyembre 30, kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day. Luckily, nakasama ang Mamasapano sa Magic 8 ng MMFF 2022.

Pagdating sa  ROI, hindi naka-focus si Atty. Topacio sa malaking kita, maipalabas lang daw ito at maibahagi sa moviegoers ang katotohanan ay okay na siya rito. Bonus na lang daw kung kumita at makakuha ng awards ang kanilang pelikula. “Wala namang problema, marami na ngayong streaming platforms and international filmfest.”

Kabilang sa cast ng Mamasapano: Now It Can Be Told sina Edu Manzano bilang Gen. Benjamin Magalong, Paolo Gumabao as Supt. Raymond Train, Aljur Abrenica as Lt. Allan Franco, Alan Paule as Gen. Getulio Napenas, Ritz Azul as Mary Ann Rivas of NBS Network, Myrtle Sarrosa as Gladys Villar of GNN Network, Claudine Barretto as Erika Pabalinas, Rey “PJ” Abellana bilang si Col. Pabalinas, Gerald Santos as Sgt. Lalan, Rez Cortez as Gen. Alan Purisima, Juan Rodrigo as Secretary Mar Roxas, Jervic Cajarop as President Noynoy Aquino. Gumaganap naman as BOI (Bureau of Inquiry) sina Jose Lejano (Ronald ‘Bato’ dela Rosa), Atty. Ferdie Topacio (John Sosito), Gani Oro (Roberto Po), Louie Gamboa (Cesar Binag), Bisdak (David Joy Duarte), Jigs Magpantay (Benigno Durana), Allan Sancon (Videographer), Kate Brios as BO1 Secretary.

Mapapanood din dito sina Ronnie Liang, Jim Pebanco, Jojo Alejar, Jojo Abellana, LA Santos, Kuya Manzano, Tom Olivar, Richard Manabat, Apollo Abraham, Rico Barrera, Marcus Madrigal, AJ Oteyza, Marco Gomez, Rash Flores, Elmo Elarmo, at Nathan Cajucom. Gumaganap din na reporters dito sina Erika Mae Salas, Janah Zaplan, at Tori Topacio.

Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …