Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP QCPD

10K katao, huli sa Anti-Criminality at Anti-Drug Operations sa QC

INIANUNSIYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director,  P/BGen.Nicolas Torre III na umabot sa 10,174 katao ang naaresto ng kanyang mga tauhan sa pinaigting na anti-criminality at anti-drug operations sa Quezon City, nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Torre, ang operasyon ay isinagawa mula 14-20 Nobyembre 2022.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 81 suspek sa illegal drugs; 39 most wanted persons (MWP); 24 other wanted persons (OWP); 61 sa illegal gambling; at 9,969 violators ng city ordinances gaya ng jaywalking, littering urinating/drinking/smoking in public places, at paglabag sa discipline hours para sa mga menor de edad.

Aniya, nakakompiska rin sila ng kabuuang 103.57 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P704,276; 13 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at kush na nagkakahalaga ng P4,120; at mga drug paraphernalia mula sa 40 anti-drug operations na nagresulta sa pagkaaresto ng 37 users at 44 pushers.

Ang mga lumabag naman sa city ordinances ay kinasuhan, winarningan o pinagmulta ng mga awtoridad.

Nakakompiska rin ang mga awtoridad ng ‘di pa batid na halaga ng cash mula sa illegal gamblers na kanilang naaresto.

Kaugnay nito, pinuri ng QCPD chief ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na operasyon na kanilang isinagawa. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …