Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Akira Jimenez AJ Raval Christine Bermas

Akira Jimenez, idol sa lampungan sina AJ Raval at Christine Bermas

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUNOD-SUNOD ang pelikula ng sexy newcomer na si Akira Jimenez.  Kabilang dito ang Alapaap, Boso Dos, at Erotica na mapapanood very soon sa Vivamax.

Aminado si Akira na bata pa lang ay dream na niyang maging artista.

Wika niya, “Opo, bata pa lang po ay lagi na akong nanonood ng mga drama sa TV. Kung puwede lang po talaga, gusto kong sumunod sa yapak nina Angel Locsin, Maja Salvador, at Kim Chiu.

“Pero pinaka-idol ko po talaga ay si Jessa Zaragoza po, kasi hilig ko rin po ang kumanta rati.”

Pagdating sa pagpapa-sexy sa pelikula, wala raw siyang limitations.

Sambit ni Akira, “Go po ako sa lahat ng dapat gawin, kasi mahal ko po ang trabaho ko. Ayaw ko pong may masabi sa akin ang mga cast or director po. So, no limitations po talaga, kakayanin ko po lahat kung ano man ipagawa sa akin at wala po akong arte sa katawan… lalo na po ayaw kong mapahiya kay mami, anak ni mami Jojo Veloso po ito, walang arte, pak na pak!”

Dagdag niya, “Gusto ko lang matupad mga pangarap ko para sa pamilya ko, kaya sobrang thankful po ako kay mami Jojo dahil unti-unti ko na pong natutupad ang mga pangarap ko dahil po sa kanya at kay Mami Gab na nagpakilala sa akin kay mami Jojo.”

Nabanggit din ng sexy actress ang mga idol niya pagdating sa lampungan sa pelikula.

“Iyong mga idol kong aktres pagdating sa mga ganyang bagay like sa love scene, sina Christine Bermas at AJ Raval, kasi, grabe sila sa movement kapag sa sex scene, kapag nakikipag love scene na, nakaka-L talaga silang panoorin, hahaha!” Nakatawang saad ni Akira.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …