Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Mga misis na ‘di kasal pero niloko ni mister  bigyang pansin ni Tulfo

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MGA AMA na ‘di nagsusustento sa kanilang mga anak meron nang kalalagyan, dahil dapat sustentohan ang mga anak na iniwan.

Pero paano ang  mga walang anak na matagal na nagsama dahil maraming beses nakunan sa kunsumisyon o stress na dulot ng kinakasamang mister, pasok lang ba ito sa kasong violence against woman dahil emosyonal? Ano pa ang dapat ikaso ng common-law wife? Dapat pagtuunan ito ng pansin ni Senator Raffy Tulfo dahil madalas na ganitong problema ang lumalapit sa kanyang Raffy Tulfo in Action.Tunay na kawawa ang misis na matagal na panahong nakisama sa mister na buong buhay ay umikot ang mundo dito.

Nabuntis pero nalaglag ang bata, pero pagkatapos ng 20 taon, si mister nambuntis ng ibang babae, kawawang common-law wife ‘di ba?

Sa bait ni misis tinanggap ang pangyayari dahil mahal si  mister, nagulo ang buhay lalo ang babaeng buntis ay ginugulo si commom-law wife…

Ito namang si mister na hindi rin naman kasal sa babaeng binuntis ay bulag sa ginagawa ng binuntis sa kanyang common-law wife.

Sa madaling sabi, hiwalayan pero bukod sa violence against woman, ano pa ang dapat gawin ng isang naagrabyadong misis? Sana bigyang atensiyon ito ni Senator Tulfo.

Ano ang gagawin ng common-law wife na hindi lamang pagkababae pati na ang pagkatao ni common-law wife ang nadurog dahil sa lalaking kinasama, na itinakwil ng sariling pamilya dahil minahal si mister.

Nagpakaboba at tanga dahil sa tawag ng pag-ibig ngunit ngayon ay nauntog na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …