Thursday , June 4 2026
Piolo Pascual Paulo Avelino

Piolo natawa kay Paulo kung paano niya hinahangaan ang aktor

TINANONG si Paulo Avelino sa media conference ng Flower of Evil kung kamusta ang pakiramdam na first time niyang nakatrabaho si Piolo Pascual sa nasabing serye. Ang sagot niya ay masaya, dahil dati, noong elementary at high school pa lang siya ay napapanood niya lang si Papa P.

At isa raw achievement para sa kanya, na ‘yung mga hinahangaan niya noon ay nagkakaroon na siya ng oportunidad na makatrabaho ang mga ito at matuto sa kanila. 

Sa sinabing ito ni Paulo tungkol kay Piolo, ay natawa na lang ang huli. Sabagay, wala namang masama sa sinabi ni Paulo, hindi pa naman kasi siya artista noon, na artista na si Papa P. Nagsimula si Papa P noon sa sikat na sikat na youth-oriented show na That’s Entertainment ng GMA 7. Hanggang mapunta sa ABS-CBN at maging ka-loveteam ni Judy Ann Santos

That time ay wala pa nga sa showbiz si Paulo kaya napapanood pa lang niya ang award-winning actor. (Rommel Placente)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …