Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Carlo Aquino Jason Paul Laxamana 2

Direk Jason Paul naluha sa premiere night ng Expensive Candy

MATABIL
ni John Fontanilla

MATURED at daring na Julia Barretto ang mapapanood sa Expensive Candy na hatid ng Viva Films at sa mahusay na direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Malayong-malayo ito sa mga nakasanayan na nating role na ginagampanan ni Julia sa mga pelikulang nagawa niya.

Sa Expensive Candy ay oozing with sexiness at nagpaka-daring talaga si Julia, bukod sa napakahusay nitong pagganap bilang Candy at hindi nagpahuli sa galing umarte sa award winning actor na si Carlo Aquino na ginampanan naman ang role ni Toto Camaya.

Maganda ang istorya ng movie, kapupulutan ng aral at napakahusay ng pagkakadirehe ni Laxamana. Pinalakpakan at binati si Direk JP sa galing ng pagkakagawa niya sa Expensive Candy. Bukod pa sa talagang dinumog ang red carpet premiere night nito noong Lunes na isinagawa sa SM Cinema The Block. Pagkatapos na pagkatapos ng pelikula hiyawan at palakpakan ang namutawi sa loob ng sinehan kaya hindi napigilan ni Direk JP ang maluha. 

Sa pelikulang ito tiyak maraming kalalakihan ang magpapantasya kay Julia kapag napanood at puwede na siyang tawaging makabagong Pantasya ng Bayan.

Mapapanood ang Expensive Candy sa Sept. 14 in cinemas nationwide at ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkasama sa pelikula sina Julia at Carlo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …