Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola Bula

Kabaliwan ni Ayanna epektib

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALIW na aliw kami sa Bula movie ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax sa September 2 at pinagbibidahan nina Ayanna Misola at Gab Lagman. Na-enjoy namin ang mga musical score ng pelikula na akmang-akma sa mga nangyayari sa pelikula.

Aliw talaga ang dating ng mga musikang isinalpak ni Direk Bobby Bonifacio Jr, para talagang umakma sa pelikula. 

Ayon sa direktor tatlong original songs ang ginawa pa niya bukod sa kung ilang original songs ang ipinarinig sa pelikula.

Kahanga-hanga rin ang acting ni Ayanna na marami ang nagsabing hindi malayong mapansin at magka-award sa pelikulang ito. May ibubuga naman talaga kasi ang dalaga sa akting hindi lang sa hubaran. At sa sex-drama-comedy-thriller nakipagsabayan siya kay Mon Confiado na gumanap na asawang baldado 

Para ngang hindi umaarte si Ayanna na may pagka-eng-eng o baliw ang karakter dahil siguro ‘ika nga niya, medyo baliw siya sa totoong buhay. 

Sa Bula asahan na angn iba’t ibang klase ng reaksiyon at emosyon dahil sa baliw-baliwang karakter ni Ayanna. Ang pelikula ay may tema at konseptong patatawanin ka at  paiiyakin. Dagdag pa ang nakalolokang twist sa ending.

Ang pelikula ay ukol sa isang sweet at mabait tingnan na si Meldie, pero sa likod ng maamo niyang mukha ay isang babaeng mapanlinlang na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya.

May kakaibang fetish si Meldie na isuot ang mga damit ng mga kliyente bilang foreplay na nakakapag-satisfy ng kanyang sexual fantasies.

Bukod kina Ayanna, Gab, at Mon, kasama rin dito si Rob Guinto na idinirehe ni Bobby Bonifacio Jr.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …