Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Rose Mariano chess

Pinay WIM Mariano nakisalo sa liderato sa Sweden chess

MANILA, Philippines — Giniba ni Woman International Master Cristine Rose Mariano si Birger Wenzel sa 3rd round para makisalo sa liderato kasama ang tatlo pang woodpushers sa Stockholm Open 2022 Chess Championships nitong Sabado na ginanap sa Stockholms Schack Salongen sa Stockholm, Sweden.

Sa pangyayaring ito, napataas ni Mariano ang kanyang total score sa 3 points kasama ang tatlo pang chess players para sa tuktok ng liderato.

Ang iba pang manlalaro na nakapagtala ng 3 points gaya ni Mariano ay sina top seed Grandmaster Jonathan Westerberg, Simon Marder at Dan Eriksson.

Si Umeå, Sweden based Mariano ay Culinary student ng Astar School, ang nagpayuko kina Simon Ingleman-Sundberg sa first round at sa Sture Lindberg sa second round.

Si Mariano, isang Olympian at maraming beses na National Women’s champion at isa sa top player ng Philippine Air Force (PAF) chess team ay makakaharap si Eriksson sa fourth round.

Kasalukuyan siyang nakahimpil sa Lodge 32@ Hotel Hornsgatan.

Bago ang tournament, si Mariano ay nasa rigid physical training sa ilalim na pngangasiwa nina Koper, Andreas, Sofie, Lars at Abe.

Ang kanyang kampanya ay suportado nina Dr. MK at Mr. TW. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …