Thursday , December 26 2024
Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker at incumbent Marinduque Speaker Lord Allan Velasco na gawing requirement sa pagbili ng anomang uri ng sasakyan ay mayroon dapat parking area?

Ang panukalang ito ng Kongresista sa kanyang  House Bill 31, sinabi nito na lilimitahan ang pagpapatupad ng kanyang panukala sa Metropolitan area, kung saan maraming sasakyan ang bumibiyahe.

Tinukoy ng Kongresistang masyado nang masikip dahil sa mga nakaparadang sasakyan sa public roads. Talagang ginagawa nilang parking lots ang mga kalsadang ipinagagawa ng gobyerno mula sa taxpayers money na milyones ang halaga.

Ayon sa Kogresista, sa ilalim ng panukala, sinomang tao na ang address ng bahay o negosyo ay nasa Metropolitan area gaya ng Metro Manila, Angeles City, Baguio City, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu City, Davao City, Iloilo City, Naga City, at Olongapo City, ang mga bibili ng sasakyan ay kailangang mag-execute ng affidavit na mayroon itong paparadahan ng bibilhing sasakyan, at ipanonotaryo saka isusumite sa Land Transportaion Office upang mairehistro ang sasakyan.

Ipapawalang bisa ang rehistro ng sasakyan kung mapatunayan na hindi totoo na mayroong parking lot o space ang may-ari ng sasakyan.

Ang may-ari ng sasakyan na nasa kanyang pangalan ang rehistro ay hindi na makapagpaparehistro ng kanyang sasakyan sa loob ng tatlong taon at multang P50,000 sa bawat lumabag.

Ang tanong, maging epektibo kaya ito Cong. Velasco? Alam na alam ng lahat na ang ahensiya ng LTO ang isa na yata sa pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno.

Ang daling makakuha ng driver’s license kahit hindi nagdaan sa student permit. Ang daling magparehistro kahit no appearance ang sasakyan, na dapat dumaan sa emission testing. At kahit hindi marunong magmaneho, may driver’s license na, kasi mahalaga ito bilang ID sa mga transaksiyon, government ID, okey sa banko kung mag-e-encash ng mga tseke.

Dapat sigurong linisin muna ang tanggapan ng LTO, alisin ang mga corrupt. Baka ang mangyari batas-batasan lang ‘yan Cong. Velasco? Ang dali ng pera d’yan sa LTO.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …