Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maria Laroco Britain’s Got Talent

Maria Laroco susubukin ang suwerte sa Britain’s Got Talent

RATED R
ni Rommel Gonzales

FEBRUARY of 2020 ang huling concert ni Maria Laroco sa isang venue sa Quezon City. Pagkatapos niyon, Marso ay nagkaroon ng lockdown sa buong bansa dahil sa unang pananalasa ng COVID-19.

Sa mga panahong iyon ay naging abala muna si Maria sa pagsusulat ng mga kanta.

Sa ngayon, si Rams David ng Artist Circle Talent Management Services ang manager niya na noong Hunyo siya pumirma ng kontrata.

So I’m happy naman din po to try my luck again sa showbiz. Excited po ako.”

Lumaban siya sa British reality TV music competition na The X Factor UK Season 15 noong 2018, na umabot siya sa Top 6 sa Girls Category.

Sa July 30 ay special guest si Maria sa Rachel Alejandro Live In Concert sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom sa Consuelo St. Sta. Cruz, Manila.

Bukod kay Maria, guest din ni Rachel si Lance “The Crooner” Carlos. Ang concert ay sa direksiyon ni Vergel Sto. Domingo at

produced ng VCSD Productions.

Ang concert ticket prices ay 1,500 (VIP), 1,000 (Gold), at 700 (Silver). Para sa ticket inquiry at reservation, maaaring tumawag sa 0927-2978027 or 0917-6250328.

Pagkatapos sa The X Factor UK ay plano ba ulit ni Maria na sumali sa isaang talent competition?

Sa totoo lang po si Simon Cowell before, we had a phone call ‘di ba, it was aired po eh, pero hindi po siya isinama roon sa final cut po na ipinalabas, so mayroon pong part doon na sinabi niya sa akin na he wants me to join again sa ‘The X Factor.’

“Tapos ‘yung next po sa teaser nila, parang ‘The X Factor’ na band po, girl band and then nagkaroon din po sila ng next season na parang celebrity po.

“Tapos po ‘yung next po niyon nagka-COVID po so parang kinansel po nila. So I’m gonna try my luck po sa US po or sa ‘Britain’s Got Talent’ which is o-audition-an ko po dapat before pero nag-expire na po ‘yung visa ko,” at natawa si Maria.

Paano kapag nakapasa siya sa mga balak niyang salihan overseas, paano ang career niya rito sa Pilipinas na nagsisimula muli?

Siyempre it’s really important din po to have a career in the Philippines kasi unang-una po rito rin po talaga ako nag-start.”   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …