Thursday , December 26 2024
Dragon Lady Amor Virata

Inabandonang anak may sustento na

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

LAGOT ang mga tatay na umaabandona sa mga anak, dahil isinulong na sa Kongreso ang batas na naglalayong dapat ay sustentohan ng ‘di bababa sa P6,000 ang bawat isang anak na inabandona nito.

Paano naman kung walang kakayahan ang isang ama na magbigay ng sustento?

Ayon sa batas na isinulong ni  Northern Samar Cong. Paul Daza, kung walang hanapbuhay ang mga magulang ay tutulungan ito ng gobyerno na magkaroon ng trabaho o kabuhayan para makapagbigay ng sustento.

Sa kasalukuyan ay mayroong 14 milyong solo parents sa ating bansa at 13.3 milyon ay mga babae. Hindi tinukoy sa ginagawang batas kung kabilang ang mga batang biktima ng pagtataksil ng isang ama o bunga ng pagkakamali dahil legal na may pamilya ang isang lalaki at nakabuntis ng ibang babae .

Sakaling umubra na kabilang ang mga unwed mother, hindi kaya magsilabasan ang pangalan ng mga kilalang personalidad na hindi nagsusustento sa kanilang mga inanakan? Abangan!

Ang masakit, kapag napatunayan na hindi nagsusustento, ipakakansela ang driver’s license, pasaporte para ‘di na makalabas ng bansa o ipade-deport kung nasa ibang bansa.

Kaya mga tatay na gustong humiwalay sa kanilang mga misis kahit maraming anak, may kalalagyan na kayo. At ‘yung mga lalaking kahit may mga asawa na at mga anak, ay nangangaliwa at nagbabahay ng kanilang mga kabit at inanakan pa, lagot kayo heto na ang batas na puputol sa inyong kalokohan.

Mga lalaking ‘di makontento sa kanilang misis, aanak pa sa ibang babae pasok kayo sa batas na ito sakaling mapagtibay ito ng Kongreso. Mabuhay ka, Cong. Daza!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …