MULING pinatunayan ni National Master Ivan Travis Cu ng San Juan City ang kanyang husay sa ibabaw ng 64 square board matapos makakolekta ng perfect 7.0 points para magkampeon sa semifinals ng Under 13 Open National Youth & Schools Chess Championship na ginanap nitong Huwebes at Biyernes, Hunyo 30 at Hulyo 1, 2022.
Ang 7 rounds Swiss tournament ay ginanap sa Tornelo Platform na may time control 15 minutes at 10 seconds increment.
Ang 13-year-old Cu na Grade 8 pupil ng Xavier School ay lamamang ng 1.5 points kay National Master Christian Gian Karlo Arca ng Panabo City, Davao del Norte para maghari sa 34-man field na binubuo ng mga leg qualifiers at country’s best rapid young chess players.
Kabilang sa mga tinalo ni Cu ay sina Louie Nisperos sa first round, Pollux Caleb Reyes sa second round, Richard Haiden Alarma sa third round, Mar Aviel Carredo sa fourth round, National Master Al Basher “Basty” Buto sa fifth round, Yosef Immanuel Morado sa sixth round at Mark Gabriel Usman sa seventh at final round.
Si Cu din ang nagkampeon sa National Age Group Chess Championship Semifinals kung saan naglaro siya sa U-14 open category nitong Mayo 28 at 29, 2022.
“NM Ivan Travis Cu secured the gold with 7 wins against his peers. The 7 rounds Swiss tournament was played on Tornelo with a time control of 15 minutes and 10 seconds increment,” sabi ni father/coach Teddy Cu.
“This win is a strong boost to NM Ivan and represents his second semifinal championship crown after finishing first in the recently concluded National Age Group Chess Championship Semifinals where he played in the U-14 open category last May 28 to 29, 2022.” dagdag pa ni Cu.
– Marlon Bernardino –