Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola

Ayanna Misola, sapol ng Covid-19

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TINAMAAN pala ng Covid-19 ang sexy star ng Vivamax na si Ayanna Misola. Naka-chat namin ang aktres at nabanggit niyang one week na kahapon mula nang nalaman niyang may Covid siya.

Wika ni Ayanna, “Noong Wednesday po may photoshoot po sana for a movie poster, bigla akong nag-positive. Every three days po nagpapa-swab ako, positive pa rin.

“Hindi ko po sure kung saan ako nahawa, kasi recently palagi po akong nasa crowded na mga lugar like everyday po akong nasa gym and nasa mall. Kaya dapat po talagang mag-ingat ang lahat at tandaan natin na may Covid pa rin po sa atin.”

Kumusta na siya ngayon, ano ang kanyang pakiramdam?

Aniya, “May sipon and ubo lang po, tapos sinat… yes po, naka-quarantine lang ako sa bahay, bale mild lang po ang symptoms.

“Sabi raw po kapag fully vax na, hindi na iinit ‘yung katawan, hindi na raw po lalagnatin, pero ramdam mo ‘yung bigat na parang may lagnat. Nasa loob lang ‘yung temperature hindi lumalabas.”

Anyway, ayon sa sexy actress, ang Vivamax movie nilang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ang next project niya na kailangang abangan sa kanya.

Tampok din dito sina Diego Loyzaga, Adrian Alandy, Mon Confiado, Carlene Aguilar, Allan Paule, Ava Mendez, at iba pa, sa direksiyon ni Roman Perez, Jr.

“Ang movie po naming Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ang next na kailangang abangan nila sa akin,” saad ng aktres.

Ano ang bago niyang ipasisilip dito? “Napaka-sexy po ng character ko rito, as in nakawawala po sa sarili. Challenging po ang role ko rito, kasi tatlo iyong personalities ko rito, mas maipapakita ko po rito iyong acting ko.

“Sexy po ang film, pero more on acting po ang makikita nila rito. Bukod sa remake, idol na idol ko po kasi si Ms. Dina (Bonnevie), so gusto ko po talaga maibigay ‘yung best ko sa bawat eksena.”

Ayon pa sa hot na hot na alaga ni Jojo Veloso, nanghinayang siya dahil hindi nakasali si Dina sa pelikulang ito na ang veteran actress mismo ang orig na nagbida noong 1989.

“Yes po, nanghinayang ako, kasi po nasa bucket list ko po talaga na maka-work si Ms. Dina. Pero hindi naman po ako nagmamadali, maybe one day makasama ko po siya. Isang karangalan na po ang mabigyan ako ng project na remake na galing sa kanya,” nakangiting saad ni Ayanna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …