Thursday , December 26 2024
Dragon Lady Amor Virata

Sahod tumaas, pasahe tumaas, anong silbi?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

TUMAAS nga ang sahod ng manggagawa, ang minimum wage. Walang tigil naman ang pagtaas ng mga produkto, dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ngayon, piso hanggang P15 ang inihihirit na taas-pasahe ng ibang public transport,  anong silbi ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa? Useless!

Walang silbi, ang ibig kong sabihin dahil mas malaki pa ang itinaas na konsumo ng mga produkto kaya kulang ang itinaas na sahod ng mga manggagawa

Hanep talaga, ang buhay ngayon taghirap! Maraming nagugutom, baka pag-alis ni PRRD magsulputan na ang mga holdaper.

Sana sa pagpuwesto ni Pangulong Marcos, mabago ang lahat, 31 milyong bumoto sa kanya ang umaasa gaya sa presyo ng bigas at petrolyo!

Ilang tulog na lang, mauupo na ang mga bagong halal o reelectionist na mga kandidato.

Maraming umaasa kay BBM, isa na ang inyong lingkod na naging avid supporter nito, na ang paghihirap na dinaranas ng sambayanan ay lagyan na ng tuldok!

Sana!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …