I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKALULULA ang sunod-sunod na projects na handog ng AQ Prime Stream na ibinunyag nito kahapon sa grand media launch na ginanap sa Conrad Hotel.
Bukod sa mga boss ng AQ Prime na ang unang handog sa publiko ay ang thriller na Nelia, present din ang Korean partners nila, Korean performers, at beauty queens na lumipad ng ‘Pinas para maging bahagi ng paglulunsad.
Ang ilan sa contents na mapapanood ay ang Huling Lamay, Pula ang Kulay ng Gabi, Bingwit at marami pang iba.
Kasabay ini-launch ang AQ Prime Directors Cut at layunin ng producers na makapagbigay ng trabaho na naapektuhan ng pandemic at magbigay ng quality contents sa buong mundo.