Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Barangay elections posibleng mabinbin

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SA LAKI NG UTANG ng ating bansa, nadagdagan pa ang gastos nitong nakalipas na local and national elections, posibleng ‘di matuloy ang barangay elections sa buwan ng Disyembre sanhi ng kakulangan ng pondo.

At ito rin ang gusto ng mga tserman ng barangay. Imbes gugulin sa eleksiyon ay gamitin sa panahon ng pandemya ang natitirang pondo dahil mayroon umanong matitipid na P8 bilyon.

Naunang itinakda ang eleksiyon ng Sangguniang Kabataan sa Mayo 2024 at posible pa rin na maipagpaliban ito, hangga’t ‘di pa naidedeklarang covid-free ang ating bansa.

Ayon kay House Majority Floor Leader Martin Romualdez, sakaling ‘di matuloy ang barangay elections sa Disyembre, sa kahilingan na rin ng nakararaming tserman, maaaring gamitin ang pondo na nakalaan dito para sa economic stimulus o kaya ay ayuda sa mahihirap.

ELEKSIYON TAPOS NA
WAGING KANDIDATO
BAKASYON GRANDE

Malas ng mga nagkasakit at namatay pagkatapos ng eleksiyon sa San Jose del Monte, City of Bulacan.

Dahil walang dumadalaw na politiko para magbigay ng tulong sa mga maysakit at sa mga pamilyang namatayan upang mag-abot ng kahit kaunting tulong, at pakikiramay.

Nakita ko ito sa SJDM, ‘di ko nakitang dumalaw at nakiramay sa isang pamilya na kilala ang apelyido sa siyudad ng San Jose del Monte.

Limang araw na ibinurol ang namatay, ni anino ng mag-asawang Robes na pawang reelectionist bilang alkalde at kinatawan ng Kongreso.

Ganoon talaga, kasi nakuha na ang boto, kaya next time tandaan n’yo na kailangan lang ang inyong boto. E tapos na ang eleksiyon.

Sorry na lang kayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …