SA GITNA ng malawakang pagdududa na nagkaroon ng dayaan nitong nakaraang eleksiyon, tumawag si US President Joe Biden kahapon ng umaga kay President-elect Ferdinand Marcos, Jr., para bumati.
Mabilis ang usapan ng dalawa at ikinatuwa umano ito ni Marcos.
Ayon kay Marcos, pinag-usapan nila ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa sa “trade and diplomacy, as well as their common interest in democracy, self-determination, economic recovery.”
Tiniyak ni Marcos kay Biden: “the Philippines has always held the United States in high regard as a friend, an ally, and a partner.”
“I have also invited President Biden to my inaugural on June 30, which could further fortify the relationship of the two countries,” ani Marcos.
Kinompirma ng White House ang pag-uusap ng dalawa.
“President Joseph R. Biden, Jr., spoke today with President-elect Ferdinand Marcos, Jr., of the Philippines to congratulate him on his election,” ayon sa statement ng White House.
Ayon sa liham ng White House, hangad ni President Biden, ang magandang relasyon sa Filipinas at ang pagpapalawak ng bilateral cooperation ng dalawang bansa lalo sa paglaban sa C0Vid-19, krisis sa klima, ekonomiya, at human rights. (GERRY BALDO)