Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez Vote Election

Sanya parang kandidatong pinagkaguluhan habang bumoboto

RATED R
ni Rommel Gonzales

MISTULANG kandidato na pinagkaguluhan ng mga tao ang “First Lady” na si Sanya Lopez nang bumoto ang aktres sa kanyang polling precinct noong Lunes.

Sa mga video mula sa netizens, makikitang sinulit ng mga botante ang magpa-picture kay Sanya nang makasabayan nila ang aktres sa pagboto.

Maririnig din na sumisigaw ang mga tao ng “Acosta!” at “First Lady,” na karakter ni Sanya sa GMA series na First Lady.

Ang “Acosta” ang apelyido ng karakter ni Sanya na si Melody bilang asawa ng presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta, na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

Ayon sa mga bali-balita, sinabing nakapila na si Sanya at ang kuya niyang si Jak Roberto nang pagkaguluhan ng mga tao.

Dahil dito, nagdesisyon ang election inspectors na pabotohin agad si Sanya para hindi na magkagulo ang mga tao.

“Nahiya po kami. Humingi naman po kami ng pasensya sa mga tao at nakatutuwa po na naiintindihan naman po nila,” sabi ni Sanya.

Pero kahit tapos nang bumoto, sinalubong pa rin si Sanya ng mga tao sa labas ng presinto.

“Tinatawag nila akong ‘Acosta! Acosta!’ ‘First Lady,’ ‘Madam presidente’ pa ‘yung tinawag last time. So nakaaaliw talaga. Sa lahat ng dinadaanan namin ang tawag na sa akin Melody,” sabi ni Sanya.

Dahil dito, hindi maiwasan ni Sanya na maikompara ang mga pangyayari sa totoong buhay sa takbo ng kuwento sa First Lady, lalo na sa katatapos lang na eleksiyon.

Sa pinakabagong kaganapan sa serye, pumayag na si Melody na humalili sa kaniyang mister na si Glenn bilang kandidatong pangulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …