Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MANGINGISDA NAKALIGTAS SA PANANAKSAK (Kinursunada)

NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang mangingisda matapos kuyugin at saksakin ng isa sa tatlong suspek sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa tinanggap na ulat ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 10:30 pm, habang nakaupo sa Badeo 5, Brgy. San Roque si Jonathan Biguina, 30 anyos, ilang metro sa harap ng kanilang bahay, sinugod siya ng tatlong suspek, dalawa sa kanila ay armado ng kahoy na dos-por-dos saka kinulata ang biktima.

Nagawang makatakbo ng biktima ngunit hinabol siya ng mga suspek at nang makorner, isa sa kanila ang naglabas ng patalim saka sinaksak sa likod si Biguina dahilan upang bumagsak siya sa semento.

Mabilis na nakapagresponde sa lugar ang mga tanod ng Brgy. San Roque pero mabilis na nakataks ang mga suspek habang isinugod sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktima para magamot ang mga saksak.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya laban sa mga suspek na dalawa sa kanila ay kinilala bilang sina Jayson Esparcia, 18 anyos, Grade 8 student ng Oliveros St., at Mark Anthony Sevilla, 20 anyos, helper, kapwa ng Brgy. Tangos North habang inaalam ang motibo ng pagsugod at pananaksak. (

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Richard Gomez Lino Cayetano Elijah Canlas

Richard Gomez pinuri ni direk Lino: he elevates everyone sa performance niya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NAPAKAGALING ni Richard Gomez.” Ito ang tinuran ni direk Lino Cayetano nang makahuntahan namin …

Zela

Zela acting ang unang love 

I-FLEXni Jun Nardo AKTING ang unang gusto ng baguhang singer na si Zela. Eh nang masubukan …

Judy Ann Santos

Judy Ann naisalba ng mga ipong alahas

RATED Rni Rommel Gonzales NOONG mga panahong hindi pa siya sikat at hindi pa kumikita …

Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila …

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …