Monday , November 18 2024

Kinursunada: MANGINGISDA NAKALIGTAS SA PANANAKSAK

NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang mangingisda matapos kuyugin at saksakin ng isa sa tatlong suspek sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa tinanggap na ulat ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 10:30 pm, habang nakaupo sa Badeo 5, Brgy. San Roque si Jonathan Biguina, 30 anyos, ilang metro sa harap ng kanilang bahay, sinugod siya ng tatlong suspek, dalawa sa kanila ay armado ng kahoy na dos-por-dos saka kinulata ang biktima.

Nagawang makatakbo ng biktima ngunit hinabol siya ng mga suspek at nang makorner, isa sa kanila ang naglabas ng patalim saka sinaksak sa likod si Biguina dahilan upang bumagsak siya sa semento.

Mabilis na nakapagresponde sa lugar ang mga tanod ng Brgy. San Roque pero mabilis na nakataks ang mga suspek habang isinugod sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktima para magamot ang mga saksak.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya laban sa mga suspek na dalawa sa kanila ay kinilala bilang sina Jayson Esparcia, 18 anyos, Grade 8 student ng Oliveros St., at Mark Anthony Sevilla, 20 anyos, helper, kapwa ng Brgy. Tangos North habang inaalam ang motibo ng pagsugod at pananaksak.

About Rommel Sales

Check Also

Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila …

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …

5 law violators silat sa Bulacan police

ISA-ISANG pinagdadakip ang limang katao na pawang gumawa ng mga paglabag sa batas sa inilatag …

TAUHAN NG 2 MAYOR BETS SA NUEVA ECIJA DINISARMAHAN (Gapangan sa kampanya nauwi sa barilan)

INARESTO at dinisarmahan ng mga awtoridad ang mga supporters ng magkatunggali sa pagka-alkalde ng General …

liquor ban

5 TOMADOR SWAK SA SELDA SA PASIG (Sa unang araw ng liquor ban)

NAGHIMAS ng rehas ang limang indibidwal sa lungsod ng Pasig na nahuling sumuway sa unang …