Saturday , November 23 2024

Napoles bantayan sa Fort Sto. Domingo (Hirit ng Obispo: Janet Napoles mangumpisal ka!)

090113_FRONT
NANAWAGAN ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kahapon sa mga miyembro ng media na samahan sila upang silipin at bantayan ang paglilipatang kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna mula Makati City Jail sa sumukong si Janet Lim-Napoles, sinasabing nasa likod ng P10 billion pork barrel scam.

Sinabi ni VACC board member Boy Evangelista, dapat maging transparent ang gobyerno at ihayag sa mamamayan ang pagbibigay ng atensyon kay Napoles para mabantayan ang seguridad, dahil pera ng bayan ang ginugugol ng pamahalaan sa aniya’y kapansin-pansing ‘special treatment’ sa ginang.

Giit ni Evangelista, dapat payagan ng Philippine National Police (PNP) ang media at VACC na personal na makita ang loob ng magiging bagong piitan ni Napoles sa Fort Sto. Domingo upang maging klaro sa publiko at maiwasan ang mga pagdududa sa isyung VIP treatment.

Nagsagawa ng prayer vigil dakong 9 a.m. kahapon ang mga kinatawan ng anti-crime group sa harap ng Makati City Jail upang ipagdasal ang gobyerno sa ginagawang pagbibigay ng labis  na  importansya  at atensyon kay Napoles.

Samantala, inihayag ni PNP PIO chief C/Supt Reuben Theodore Sindac, mahigpit nilang pinaghahandaan ang nakatakdang paglilipat kay Janet Lim Napoles mula sa Makati City Jail patungo sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna bunsod ng napaulat na ilang grupo ang posibleng humarang sa biyahe ng sinasabing utak sa P10 billion pork barrel scam.

Aniya, ang sistema ng operasyon ay hindi agad-agad dahil dapat pag-aaralan ang maraming usapin na dapat ikonsidera.

Inaayos din aniya ang pansamantalang magiging detention facility ni Janet sa Fort Sto. Domingo.

Ang Fort Sto. Domingo ay headquarters ng Special Action Forces (SAF) ng PNP.

Dito rin noon ikinulong si dating Pangulong Joseph Estrada, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Gringo Honasan at Moro National Liberation Front founding Chairman Nur Misauri.

Ang SAF training facility ay kompleto at mayroon mistulang bahay-bakasyonan na bungalow type.

ni JAJA GARCIA

SOLONS SA P10-B PORK BARREL SCAM BANTA KAY NAPOLES

ANG mga mambabatas na sabit sa P10-B pork barrel scam ang interesado sa buhay ni Janet Lim-Napoles kaya ganoon na lamang kahigpit ang ibinibigay na seguridad ng pamahalaan sa ginang, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kahit inuulan ng batikos ang Palasyo sa pagbibigay ng special treatment kay Napoles ay okay lang dahil bahagi ito ng kanilang trabaho.

“Alam n’yo kasama ho doon sa trabaho natin ‘yung makatanggap ng ganitong pagbatikos. Ngunit malinaw naman ho kasi sa panig ng pamahalaan kung ano ho ‘yung kailangan gawin, at malinaw ho sa atin ‘yon, na ito pong taong ito is a key player from all accounts in this PDAF scam. At ano ho ‘yung kailangan gawin? Madali din pong mapagtanto kung bakit meron hong banta sa buhay ng taong ito, at isipin ho natin kung sino kasi ‘yung mga nadadawit. Ano ho ‘yan, madali naman ho nating mapagtanto,” paliwanag niya.

Kabilang sa mga sinasabing nakinabang sa P10-B pork barrel scam ay sina Sen. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Bongbong Marcos, Gringo Honasan at 23 pang kongresista.

“Ngayon, ang, ano, ho ng pamahalaan ay siguraduhin na ang babaeng ito ay maaabot ng kamay ng batas kahit siya ay sumuko at kailangan masimulan na ho natin ‘yung proseso,” aniya.

Inamin ni Valte na kaya full-force ang mga liderato ng Communications group ng Palasyo sa paghatid kay Napoles sa Makati City Jail ay upang sagutin ang mga pag-uusisa ng media na batay sa kahilingan sa kanila ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.  (R. NOVENARIO)

CCTV SA BAGONG SELDA

HINDI nailipat kahapon si Janet Lim-Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna mula sa Makati City Jail.

Ito ang kompirmasyon ni DILG Secretary Mar Roxas matapos ang inspeksyon sa pasilidad kasama si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Ayon kay Roxas, ito ay dahil may gagawing mga pagbabago tulad ng pag-upgrade sa ilang security measures.

Kabilang aniya rito ang paglalagay ng CCTV camera upang ma-monitor ang mga galaw ni Napoles at ang mga taong papasok sa Fort Sto. Domingo.

Bukod dito, ipagbabawal kay Napoles ang paggamit ng cellphone at pagluluto sa loob ng kanyang kulungan.

Sa Kidapawan City
BAHAY AT HOTEL  BANTAY – SARADO  NG NBI AGENTS

KORONADAL CITY – Bantay sarado ng mga awtoridad ang bahay at hotel na pagmamay-ari ng pamilya Napoles sa Kidapawan City, North Cotabato.

Pinamunuan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-secure sa bahay at hotel ng mga Napoles matapos sumuko si Janet kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ang bahay at Mt. Apo Inn sa panulukan ng Bryant at Bautista Streets sa naturang lungsod ay nakapangalan sa anak ni Janet Lim-Napoles na si Jo Christine.

Una nang inihayag ng source mula sa tanggapan ni Mayor Joseph Evangelista, na may mga dokumento mula sa licensing at treasury office na magpapatunay na anak ni Napoles ang may-ari ng nasabing mga ari-arian.

Ang Mt. Apo Inn ay itinayo may limang taon na ang nakararaan.

(BETH JULIAN)

DAGDAG NA SEGURIDAD SA OMBUDSMAN— PALASYO

NAKAHANDA ang Malacañang na bigyan ng dagdag na seguridad si Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos makatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay kaugnay sa pagsisiyasat sa P10-B pork barrel scam.

“Katulad naman ho no’ng ibinunyag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales kahapon, siyempre, handa naman po kaming tumulong at magbigay po ng karagdagang seguridad sa kanya kapag hiningi po niya ito,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Kombinsido naman aniya, ang Palasyo na may sapat na kakayahan ang Department of Justice (DoJ) para naman protektahan ang mga whistleblower sa P10-B pork barrel scam lalo na kapag isinailalaim na sila sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno.

“Doon sa mga whistleblower, DoJ na po ang nasa taas niyan dahil… at least, for the ones na-involved ho dito sa sinasabing PDAF scam,” ani Valte.

(ROSE NOVENARIO)

JANET NAPOLES MANGUMPISAL KA!
(HIRIT NG OBISPO)

HINAMON ni Marbel Bishop Dimualdo Gutierrez si Janet Lim-Napoles na ikompisal ang mga nagawang kasalanan kaugnay ng P10 billion pork barrel fund scam.

Bukod sa pangungumpisal, sinabi ni Bishop Gutierrez na dapat din ibunyag ni Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman at kung sino-sino pa ang mga sangkot sa pork barrel scam.

Gayonman, ikinatuwa ng obispo ang pagsuko ni Napoles.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *