Saturday , November 16 2024
Dragon Lady Amor Virata

BBM ‘no entry’ a cavite city

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MATINDI ang grupo ni Cavite City Mayor Totie Paredes na sumusuporta kay VP Leni Robredo, dahil ayon sa impormasyon ay ‘di makapasok si BBM, sa halip tanging si Jolo Revilla at Mayoralty Candidate Denver Chua kasama ang mga konsehal nito ang nangangampanya bitbit ang pangalan ni BBM.

Ngayon pa lang ay ‘insecure’ na ang anak na babae ni Mayor Paredes sa kanyang katunggaling si Denver Chua, lalo siguro kung makapapasok si BBM. Balita ko ayaw bigyan ng permit ng kampo ni Paredes ang grupo ni Chua, sa takot na makapasok si BBM sa campaign rally ng grupo ni Revilla at Chua — ang UNLAD TEAM.

Gusto na talaga ng mga Kabitenyo, partikular sa Cavite City ang malaking pagbabago! Siyam na taong nalugmok ang siyudad na ito, pinatay ng kasulukuyang administrasyon.

Bago pa mag-pandemic, marami nang negosyo ang nagsara dahil sa mahal ng buwis. Sino nga namang negosyante ang hindi na kumikita, papatawan pa ng mataas na buwis kung magpapatuloy ng kanyang negosyo?

Isa lang ang Public Hospital, ang Dra. Salamanca na isinara at marangal na hindi nag-operate kaya ang taongbayan ay sa Rosario Cavite Hospital pa dinadala ang kanilang pasyente. Kung may pera ka, nariyan ang Bautista Hospital at Cavite Medical Center. Paano kung isa kang mahirap at walang pera. Kung kailan malapit na ang eleksiyon, saka minadali ang pagpapagawa ng Dra. Salamanca Hospital, dahil ito ang akala ng administrasyong Paredes na makadaragdag sa boto ng kanyang anak na hahalili sa pagka-Meyor ng siyudad!

Pero huli na ang lahat! Dahil nakatatak at nakaukit na sa isipan ng mga taga-Cavite City ang maraming taon na walang Public Hospital sa kanilang siyudad.

Isang malaking pagbabago sa Cavite City, kumbaga sa isang abandonadong gusali ay total renovation ang dapat gawin dahil sa kapabayaan ng kasalukuyang administrasyon .

Dating maunlad, ngunit unti-unting nilamon ng anay na lider. Kaya mga taga-Cavite City, ‘esep-esep’ sa araw ng halalan!

***

Sa Pasay City, tila wala nang tatalo sa Team Calixto, dahil ayon sa isinagawang survey ng iba’t ibang organisasyon sa lungsod, buo pa ring susuportahan ang Calixto Team sa pamumuno ni Mayor Emi Calixto-Rubiano at Cong. Tony Calixto.

Bagama’t hindi tatakbo si Vice Mayor Boyet del Rosario sanhi ng iniindang karamdaman, pinalitan ito ng anak na si Ding del Rosario, na tanggap na tanggap ng mga botante at supporters ni VM Del Rosario.

Maging ang dating Barangay Captain na mister ni Konsehala Aileen Padua na si Zeng la Torre ay pasok sa ginawang survey, ito ay dahil bitbit din ng TEAM Calixto at suportado rin ng grupo ni Councilor Aileen at ng amang ex-Councilor Reynaldo Padua.

Sa Pasay, ‘pag nag-endoso ka ng asawa o anak, kung dati ka ng konsehal, tiyak panalo ka. Lalo kung ikaw ay may magandang iniwan bilang public servant.

Gaya rin ni konsehal Allan Panaligan na ang misis na si Jenny Panaligan, isang flight stewardess ang hahalili, tanggap ng mga supporters ni konsehal Panaligan.

Bakit ka pa hahanap ng iba? Kaya ‘yung mga malakas ang loob na gustong gibain ang Calixto Team, mahihirapan. ‘Yung mga sumasama sa mga katunggali ng Team Calixto, puwede pa magbalik-loob sa Team Calixto bago dumating ang araw ng eleksiyon.

About Amor Virata

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …