Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angela Morena Rob Guinto Josef Elizalde

Angela at Rob nagpraktis ng paglalagay ng plaster

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Angela Morena na nagulat siya nang mabasa ang script ng X-Deal 2 na pinagbibidahan nila nina Rob Guinto at Josef Elizalde na mapapanood sa Vivamax sa March 25.

Ani Angela sa virtual media conference, “Na-challenge ako at the same maligaya ako na makaka-work ko si Ate Rob, kasi very close kami ever since the workshop started.

“And ‘yung pinaka challenging ‘yung mga lovescene lalo na sa role ko kasi hindi lang lovescene, ibang intimate siya eh. Kaya I was so very careful na hindi ma-attach sa character na iyon,” sambit pa ni Angela na ginagampanan ang role ni Olivia, dating nobya ni Peter (Josef). Na sa muling pagkikita ng dating magkasintahan, maniniwala si Peter na binigyan ulit sila ng pagkakataon ni Olivia para magkaroon ng closure. 

Kinabahan din si Rob nang mabasa ang script. “Kasi medyo bago ito may intimate scene roon na hindi ko pa nagawa sa ibang film na ginawa ko. Kaya talagang nag-usap kaming tatlo  kung ano ang dapat naming gawin sa eksenang iyon. Pinag-uusapan namin bago gawin ang eksena.” Ang tinutukoy na na eksena ni Rob ay ang threesome.

Naikuwento rin ni Angela na nag-praktis sila ng paglalagay ng plaster sa pribadong bahagi ng kanilang katawan. 

“Magkasama kami sa room ni Ate Rob tapos magkatabi kami matulog. Itinatabi namin ‘yung bed namin para ma-praktis ‘yung chemistry namin (bilang lovers) at naglalagayan kami ng plaster, ha ha ha,” tsika ni Angela na isang tomboy ang ginagampanang karakter sa pelikula.

Ang mga bida ng X-deal 2 ay ang mga upcoming artist mula sa Viva. Bibida sa pelikula sina Rob, isang sexy social media influencer na bumida na rin sa ilang Vivamax Originals, ang Siklo at Boy Bastos at Angela na naging parte ng  comedy movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo Part 2: Aussie! Aussie! O Sige!

Bibida rin sa pelikula si Josef, na nakilala sa supporting roles sa iba’t ibang pelikula, gaya ng Ulan, Hindi Tayo Pwede, at Just a Stranger. Ngayon, si Josef naman ang magiging bida kasama ang dalawang naggagandahang dalaga. 

Ang X-deal 2 ay ang sequel sa naging pelikula ni Lawrence Fajardo noong 2011, pero may iba na itong mga bida at istorya. Ang naging ugnayan ng dalawang pelikula ay ang konsepto nito ng pag-e-eksperimento sa pakikipagpalitan ng karelasyon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …