Sunday , December 22 2024
CoVid-19 Vaccine booster shot

Booster shots itinurok sa 1k QCJ inmates para zero covid mapanatili

PARA MAPANATILI ang zero “O” CoVid-19 case sa Quezon City Jail male dormitory, tinurukan na ng kanilang booster vaccine ang halos 1,000 person deprive of liberty (PDLs) habang binigyan ng first dose ang mga bagong pasok sa kulungan nitong Sabado, 12 Marso 2022 sa patuloy na vaccine rollout ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay QCJ warden JSupt. Michelle Ng Bonto, ang bakunang AstraZeneca ang itinurok bilang booster sa 903 inmates habang Janssen vaccine naman sa 203 na mga bagong pasok sa kulungan.

Inilinaw ni Bonto na bago ipinasok sa QC jail ang 203, sila ay sumailalim sa swab test para matiyak na hindi sila infected.

“Iyong mga bago, ipinapa-swab test muna natin bago papasukin dito hindi lang para makatiyak tayo na hindi sila infected kung hindi para sa seguridad ng inmates at mapanatili ang zero case ng CoVid-19 sa city jail,” pahayag ni Bonto.

Anang opisyal, sa talaan ng BJMP, umabot sa 3,307 o 93 porsiyentong PDLs ang nabakunahan na sa QC jail simula noong Oktubre 2021 sa ilalim ng QC Protektado Vaccination Program ng Local Government Unit (LGU) Health Department katuwang ang QCJMD Health Service Unit at BJMP National Capital Regional Health Service Division.

Pawang mga bakuna na AstraZeneca at Sinovac ang bakuna na ibinigay sa 3,307.

Ayon kay Bonto, sa bilang na nabanggit, ilan rito ay nakalaya na pero maaari naman silang bumalik sa city jail para sa kanilang second jab para makompleto ang kanilang vaccination o puwede naman sa labas at ipakita lang ang kanilang vaccination card bilang patunay na nakuha nila ang kanilang first jab.

Ayon kay BJMP Chief, Jail Director Allan Iral, sinimulan ang CoVid-19 Vaccination Roll-out noong Abril 2021 sa mga piitan ng ahensiya para sa proteksiyon at kalusugan ng inmates na ginagarantiyahan sa ilalim ng Sec. 15, Artikulo 2 ng 1987 Konstituyon ng Filipinas.

Tiniyak ni Iral, ang ahensiya ay nananatiling nakatuon sa pangangalaga sa kalusugan ng mga inmates lalo ang pagbibigay ng atensiyong medikal sa kanila.

Samantala, sinabi ni BJMP spokesperson JSupt. Xavier Solda, nasa 64,698 o 50.28% PDLs ang nabigyan ng booster shot habang nasa kabuoang 122,524 o 95.23% ang nabakunahang inmates sa mga piitan sa bansa na nasa ilalim ng BJMP. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …