Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiai Delas Alas Pinklawan

‘Pinklawan,’ tinabla ni AiAi delas Alas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NA-‘PINK’ NEWS, este fake news pala ang Kapuso Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas nang palabasin na supporter siya ni Vice President Leni Robredo.

Sa lumabas kasing picture sa social media, kasama ang litrato ni AiAi sa hanay ng mga celebrity na nakasuot ng pink at pinalabas nga na ang comedy actress ay for Leni.

Pero hindi ‘yan pinalampas ng actress-singer at nag-post siya sa Instagram para pabulaanan ang paglilinya sa kanyang pinklawan o kakampink.

Sabi ni AiAi,  “Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito .. tahimik buhay ko .. lahat na lang .. huy !!!!.”

Paliwanag ni Ai Ai, ang picture ay kuha noong ginawa niya ang pelikulang Ang Tanging Ina bilang si Ina Montecillo .

Kung sino ka man na gumagawa ng m4a ganitong ka cheapan … pls hindi po ako vp LENI supporter,” sabi pa ni AiAi.

Kaya naman marami ngayon ang nagtatanong kung ang ibang celebrity na nasa picture ay totoong kakampink o deadma na lang kahit magamit sa propaganda?

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang mga artista para sabihing supporter ni VP Leni. Naunang ginawan ng ganito ang Pinoy Henyo Master na si Eat Bulaga Dabarkads Joey de Leon na na-pink este fake news din nang i-edit ang larawan niya at palabasin ding supporter ni VP Rodredo.

Kaya nag-post din agad si Joey nang paglilinaw at nanindigan na ang suporta niya ay nasa tambalang Ping Lacsonat Tito Sotto. Ibig sabihin, KAKAMPING si Joey.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …